Ang declaration of regularization (dichiarazione di emersione) simula Sept 15 hanggang kalahatian ng Oktubre at ang fee ng 1,000 euro, hindi kabilang ang mga imigrante na itinuring na mapanganib. Ang Interministerial decree ang magbibigay ng mga kabuuang detalye.
Roma – Hulyo 18, 2012 – Ang mga kumpanya at pamilya ay hindi mapapatawan ng karampatang parusa sa pag-eempleyo ng mga irregular immigrants, lalong kilala sa tawag na ‘lavoro nero’. Ang mga imigrante naman ay mapagkakalooban ng permit to stay.
Ito ang buod ng regularization na nagtataglay ng isang ‘transitional provision’ o ‘disposizione transitoria’na napapaloob sa legislative decree na inaprubahan noong Hulyo 6 ng Konseho ng Ministro transposing European directive 2009/52/CE. Ang teksto ay pinirmahan kahapon ng Head of State at ilalathala sa ilang araw sa Official Gazette.
Ang declaration of regularization ay maaaring gawin simula Sept 15 hanggang Oct 15 ng mga employer na Italyano, EU nationals at mga non-EU nationals na EC long term residence permit holders (carta di soggiorno), kung saan nasasaad ang tatlong buwan ng pagta-trabaho ng mga irregular immigrants simula sa petsang ipatupad ang nasabing dekreto. Ang trabaho ay dapat na full time, maliban sa kaso ng mga domestic workers, kung saan tinatanggap rin ang part-time job ng hindi bababa sa 20 hrs per week.
Ang mga dayuhang manggagawa ay dapat ding patunayan, gayunpaman, sa pamamagitan ng mga “dokumentasyon mula sa kinatawang pampubliko”, ang pananatili sa Italya ng Disyembre 31, 2011(o bago sumapit ang Dec 31) . Isang alituntunin upang maiwasan ang pagpasok ng mga clandestines mula sa ibang bansa, na maaaring makaapekto sa pag-asang ito ng maraming irregulars sa mahabang panahon.
Hindi kabilang ang mga employer na nahatulan sa nakaraang limang taon, kahit na hindi pa pinal ang sentensya, sa krimen ng aiding and abetting illegal immigration, trafficking o exploitation, prostitution ng mga menor de edad, ilegal na page-emploeyo o pagbibigay ng trabaho sa mga iligal na imigrante. Hindi rin kabilang ang mga employer na nagsumite sa nakaraan ng aplikasyon para sa direct hire o ng ibang regularization at hindi naman tinanggap at pinag-trabaho ang dayuhan.
Hindi rin kabilang ang mga imigrante na deportado dahil naging mapanganib sa public order o sa seguridad ng bansa at para sa mga nahatulan, kahit na ang sentensya ay hindi pinal, sa isa sa mga krimen na nabanggit sa ilalim ng art. 380 ng criminal o penal code (codice di procedura penale). Bawal din ang regularization sa sinumang kinilalang panganib sa public order o seguridad ng bansang Italya o ng iba pang mga bansa sa Schengen, kahit hindi pa pinal ang sentensya.
Ang regularization ay nagkakahalaga ng 1,000 euros para sa mga employer sa bawat manggagawang nais na ma-regularize, halagang hindi maaaring ibawas mula sa income tax at itinuturing na isang fixed fee (o contributo forfettario).Sa panahon ng pagpirma ng contratto di soggiorno ay dapat ding patunayan na regular na binayaran ang sahod, buwis at kontribusyon ng hindi bababa sa anim na buwan o kung higit man, sa simula ng trabaho ng manggagawa o sa tagal ng panahon ng trabaho.
Upang magkaroon ng isang mas malalim na kaalaman sa buong procedure ay kailangang hintayin ang ilang linggo. Sa loob ng dalawampung araw mula sa publikasyon ng legislative decree, ang interministerial decree ang magbibigay ng paraan ng declaration of regularization (maaaring online), ng fee (o contributo forfettario), ang limitsayon ng kita ng employer at iba pang detalye.