in

Social card, para rin sa mga imigrante – Legge di Stabilità

Ito ay nakalaan lamang hanggang sa kasalukuyan sa mga residenteng Italyano. Sa financial measures ng gobyerno ay nasasaad na ipagkakaloob rin ito maging sa mga EU at non-EU nationals na nagtataglay ng EC long term residence permit to stay o ang kilalang carta di soggiorno.

Rome – Oktubre 17, 2013 – Ang tinatawag na social card ay maaari na ring taglayin ng mga imigrante na mayroong carta di soggiorno. Bagaman opisyal na hinihintay ang pinal na teksto, ito ay mababasa sa final draft ng legge di Stabilità.

Ang social card, na tinatawag din na carta acquisti ay isang uri ng prepaid card kung saan ilalagay ang 80,00 euros tuwing dalawang buwan ng Estado. Ang halagang ito ay maaaring gamitin upang ibili ng pagkain, gamot at maaari ring ipambayad ng gas at ilaw. Ito ay nakalaan sa mga may edad na 65 taong gulang at sa mga bata hanggang 3 taong gulang, sa ganitong kaso ang magiging may-ari ay ang magulang na mayroong ISEE o Indicatore di Situazione Economica Equivalente na mas mababa sa 6700 euros kada taon.

Hanggang sa kasalukuyan ito ay nakalaan lamang sa mga mamamayang Italyano na residente sa Italya. Sa draft ng legge di Stabilità, na nagtataglay ng financial measures ng 2014 national budget, ay nilalawakan ang naging limitasyon sa mga naging benepisyaryo.

Doon ay mababasa na ang social card ay ipagkakaloob sa mga “residente na mamamayang Italyano o EU nationals o kamag-anak ng mga mamamayang Italyano o non-EU nationals na nagtataglay ng carta di soggiorno”. Para sa taong 2014, ang pondong naglalaan sa benepisyong ito ay dadagdagan ng ‘250 million euros’.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KAUNA-UNAHANG FILIPINO FOOD FAIR SA ROMA, DINUMOG NG MGA MIGRANTE

Eleksyon sa Disyembre, tulad ng nasasaad sa Statute – Consiglieri Aggiunti