in

Deadline ng request sa Postal Voting sa Roma, nilinaw ni Ambassador Nolasco

Sa ginanap na ‘briefing’ kamakailan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa pangunguna ni Ambassador Nolasco ay nagbigay ng mahahalagang indikasyon ukol sa Postal Voting ng mga Registered Filipino Voters sa Italya, partikular sa Roma.

Una na dito ang inanunsyo ng Embahada ukol sa deadline na April 5 sa pagrere-request na huwag ipadala sa koreo ang mailing packet mula COMELEC na naglalaman ng balota.

Ayon sa Ambassador, maaring mag-request hanggang April 5 na huwag ipadala ang balota pamamagitan ng posta bagkus ito ay kukunin ng personal sa Embahada.

Ang petsa ng April 5 ay tumutukoy sa deadline ng request at hindi sa deadline ng pagkuha ng personal sa balota.

“Dahil mula April 6 ay ipapadala na sa posta ang lahat ng mga balota at ang mga magre request hanggang April 5 na kukunin ng personal ang mga balota ay hindi ipapadala sa koreo”.

Samakatwid, ay maaaring kunin ng personal ang balota sa araw, petsa at oras na ilalagay sa request (maaaring buwan ng Abril hanggang Mayo) na bukas sa publiko para sa OAV ang Embahada“.

Dagdag pa ng Ambassador, “ang request ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng social media, telepono at email. Isang empleyado ng Embahada ang nakatutok para tumanggap ng inyong request at tumugon sa inyong mga pangangailangan“.

Gayunpaman, ukol sa tanong kung maaaring kunin ang balota sa pamamagitan ng authorized person (maaaring asawa, kapatid o anak) dala ang authorization letter ay naghihintay pa ng katugunan mula sa komisyon.

Samantala, sa mga lumipat at nagpalit ng address, maaari ring ipadala ang bagong address sa mga pamamaraang nabanggit o magpadala ng request hanggang April 5 na ang balota ang kukunin ng personal.

Narito ang video.

https://www.facebook.com/akoaypilipinoitalya/videos/665609183875054/

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Holy Stairs sa Roma, muling magbubukas sa April 11

Pagbabago sa validity ng ISEE 2019, nilinaw ng Inps