in

Electioneering sa Roma, binatikos ng Netizens. Postal Voting Inalmahan!

Isa sa pinagbabawal na gawin sa panahon ng botohan ang mangampanya. Maaring mauwi sa diskwalipikasyon ng kandidato at pagkakaso sa mga supporters ang ganitong mga aksyon”, ito ang ipinaliwanag ni Vice Consul Atty. Ochoa ng mapansin niyang may nakapaskil na polyeto sa cork board sa loob ng presinto na naglalaman ng mga pangalan ng kandidato. Kaagad kinuha ang atensyon ng mga nasa loob ng presinto at nagbabala na kanila itong gagawan ng ulat sa COMELEC.

Inaabangan ngayon ng netizens na ilabas ng Embahada sa Roma ang CCTV para matukoy ang nag-pin ng campaign materials sa gitna ng botohan. May mga asosasyon at indibidwal na ding nagpadala ng e-mail sa Embassy at Head of Post para hingan ng paliwanag paano ito nangyari.

Binatikos din ng marami ang kumakalat na larawan ng mga botante na nag-selfie hawak ang kanilang mga balota. Nilalabag nito ang sanctity at privacy ng balota. Tanging ang mga Special Board of Elections Inspectors o SBEI lamang ang maaring magbukas at makakita ng sinagutan ng balota. Sila ang natatanging awtorisado na magsubo nito sa VCM o Vote Counting Machine.

Nagpahayag naman ng diskontento ang mga botante sa bagong patakaran na Postal Voting sa kalakhan ang gaganapin na Overseas Absentee Voting sa Italya. Naglabasan ang samo’t-saring opinyon sa Social Media na nilalabag nito ang Right to Suffrage na nakasulat sa Saligang Batas ng Pilipinas sa panahon ng botohan. Marami din ang nagdududa na pagmumulan ito ng malawakang dayaan.

Ibarra Banaag

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

RGI ALAKDAN Blue Falcon Bowling Springtime Edition, tagumpay sa Lucca

Remittance ng mga Pinoy, ikatlo sa pinaka mataas sa Italya!