Isang mahalagang Gabay ang inilathala ng PCG Milan kung saan nasasaad ang mahahalagang hakbang na dapat gawin ng mga rehistradong botante sa North Italy para sa nalalapit na Midterm Election 2019.
Bilang pambungad sa Gabay ay ipinapaalala ng PCG Milan na ang paraan ng pagboto ay Postal Voting at ang paraan ng pagbibilang ay ang Electronic.
Ang araw ng botohan ay mula April 13 (mula 8am) hanggang May 13 (hanggang 12 ng tanghali).
Ang Postal Voting ay nangangahulugang ipapadala ang balota sa posta o koreo. Ito ay maaari ring kunin ng personal sa Konsulado. Ipaalam ito sa Konsulado hanggang April 15, sa pamamagitan ng email o personal, gamit ang angkop na form.
Samantala kung sakaling lumipat o nagbago ng tirahan, gamit ang anumang dokumento na magpapatunay ng bagong address, narito ang request.
Narito ang Gabay:
Sa datos ng PCG Milan, mahigit 27,628 na registered voters sa nasabing lugar.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa official website ng PCG Milan.