in

Maaari pa bang magparehistro para umabot sa pagboto sa 2019 Elections?

Nais ko pong bumoto ngunit wala ang aking pangalan sa listahan ng COMELEC. Maari pa ba akong magparehistro para umabot sa pagboto sa 2019 Elections?

Narito ang kasagutan ayon sa FAQS on Overseas Voting for the 2019 Philippine Elections na inilabas ng Comelec.

Hindi po. Ikinalulungkot naming ipaalam na ang panahon ng pagpaparehistro para makaboto sa 2019 Elections ay natapos noong Setyembre 2018. Kung inyong nais, maaari kayong magpa rehistro para makaboto sa susunod na eleksyon sa 2022.

Ang panahon ng simula ng pagpaparehistro para sa susunod na eleksyon ay iaanunsyo ng COMELEC at ito ay ipaaalam ng Embahada at ng Konsulado sa pamamagitan ng kanilang website at social media account (kung mayroon man).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Postal Voting, paraan ng pagboto ng mga Overseas Voters sa Italya ngayong Mid-term Elections

Wala ang pangalan sa Certified List of Overseas Voters (CLOV), ano ang dapat gawin?