“We exerted all efforts para makarating sa kanila ang information na ang kanilang ballot ay nasa embassy” Ambassador Domingo Nolasco.
Eksaktong alas 12 ng tanghali sa Italya, (alas 6 naman ng gabi sa Pilipinas) ay opisyal na isinara ni Vice Consula Atty. Ochoa ang Overseas Voting kahapon sa Roma.
Ngunit, bago tuluyang isinara ang overseas voting ay nagmamadaling humabol pa mula sa kanyang part time job si kabayang Edralyn Abanador sa pagsa-sabmit ng kanyang balota.
Samantala, sa isang panayam ay ipinaliwanag naman ni Ambassador Nolasco ang naging proseso sa huling dalawang araw ng botohan sa Roma kung bakit dinumog ng mga botante ang embahada.
Aniya ginawa nila ang makakaya upang maiparating sa mga botante na hindi nakatanggap ng balota na makakaboto na sa embahada matapos ipalabas ang Adviosry mula sa Comelec.
“We exerted all efforts para makarating sa kanila ang information na ang kanilang ballot ay nasa embassy”, aniya.
Inaasahan ang pagtatapos ng canvassing ng Special Board of Canvasser ngayong gabi, May 14 at samakatwid ang pagbibigay ng final results ng Mid term Election sa Italya.