in

Postal Voting, paraan ng pagboto ng mga Overseas Voters sa Italya ngayong Mid-term Elections

Nalalapit na ang 2019 National Elections sa Pilipinas.

At lahat ng mga rehistradong Pilipinong botante sa Italya ay makakaboto din sa pamamagitan ng Postal Voting kung saan pipili at boboto ng Senador at party-list representative. Walang personal voting ngayong darating na eleksyon at ito ay nangangahulugan na hindi personal na ipapasok ang balota sa Vote Counting Machine o VCM.

Maituturing na rehistradong botante ang mga pangalang kasama sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) na inilabas ng Commissison on Elections (COMELEC).

Listaha ng mga CLOV sa Roma at Southern Italy.

Listahan ng mga CLOV sa Milan at Northern Italy.

Base sa alituntunin, ay ipapadala ng Embahada at Konsulado sa mga botante ang mailing packet mula sa Comelec sa addess na iniwan sa araw ng Registration. (Kung iba na ang address, ipagbigay-alam lamang ito sa mga kinauukulan ng Embahada at Konsulado, sa lalong madaling panahon).

Ang packet ay naglalaman ng opisyal na balota, lakip ang instruksyon at paalala kung paano ito sasagutan at kung paano ipadadala pabalik ng Embahada at Konsulado.

Samantala, kung nais na personal magtungo sa Embahada para kunin ang packet hanggang April 5, 2019 ay mangyaring magpadala ng email o private message sa social media account.

Tandaan na ang kawalan ng komunikasyon at ang hindi pagkuha sa balota hanggang sa petsang nabanggit, ay matatanggap ang mailing packet  (samakatwid ang balota) sa pamamagitan ng koreo.

Ang botohan o ang pagtanggap ng mga ballot envelops ay magsisimula ng alas 8 ng umaga ng Abril 13 (alas 9 ng umaga mula Abril 14) hanggang alas 6 ng hapon ng May 12, 2019, (alas 12 ng tanghali sa May 13) araw-araw hanggang matapos ang botohan.

Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng ballot envelopes , maging Sabado at Linggo, maliban sa Huwebes Santo (April 18, 2019) at Biyernes Santo (April 19, 2019) ayon sa Proclamation No. 555 ng Office of the President.

At dahil walang kasiguraduhan kung kailan matatanggap ng Embahada/Konsulado ang mga ballot envelopes, ipinapayong sagutan agad ang balota matapos matanggap ang mailing packet at ibalik agad sa sender.

Tuwing Lunes at Huwebes, sa panahon ng botohan, mula alas 9 ng umaga ay ipapasok ang mga balota sa VCM ng Special Board of election Inspectors o SBEI, sa harap ng mga watchers.

Ang canvassing ng boto na natanggap ng Konsulado Heneral sa Milan at ng Embahada ay gagawin ng Special Board of Canvassers (SBOC) sa Multi-Purpose Hall ng Embahada sa Roma.

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2019, pirmado na!

Maaari pa bang magparehistro para umabot sa pagboto sa 2019 Elections?