Nagbigay ng mahahalagang impormasyon si Ambassador Nolasco ukol sa nalalapit na Overseas Voting 2019. Kaugnay nito, naglabas din ng Gabay sa Pagboto ang Philippine Consulate General in Milan sa kanilang website.
Nagbigay ng mahahalagang impormasyon si Ambassador Nolasco ukol sa nalalapit na Overseas Voting 2019. Partikular, binigyan-diin ng Ambassador ang ukol sa mga Voter’s ID.
“Ang Voter’s ID ay hindi kinakailangan para makaboto sa nalalapit na eleksyon kung saan ang mga Registered Overseas Voters ay pipili ng 12 Senators at Party list Representative”.
Ang basehan ng karapatang bumoto ay ang pagkakalista sa opisyal na listahan mula sa Comelec ng Certifed List of Overseas Voters o CLOV.
Sa inilabas na Certified List of Overseas Voters o CLOV ng Comelec, mayroong 33,931 mga registered voters sa jurisdiction ng Rome, mahigit 27,628 naman ang registered voters sa North Italy (ikalawa at ikatlong listahan) at 703 naman ang mga registered voters sa Vatican.
PAALALA, ang walang voter’s ID ngunit nasa listahan ng CLOV ay makakaboto.
Paano boboto?
Postal voting ang paraan ng pagboto at Electronic naman ang paraan ng pagbilang sa mga boto sa Konsulado sa Milan at Embahada sa Roma.
Ang Postal Voting ay tumutukoy sa pagpapadala ng Embahada at Konsulado sa mga botante ang mailing packet mula sa Comelec sa addess na iniwan sa araw ng Registration.
Ang packet ay naglalaman ng opisyal na balota, lakip ang instruksyon at paalala kung paano boboto.
Kung iba na ang address, at nais kunin ng personal ang balota, ipagbigay-alam lamang ito sa mga kinauukulan ng Embahada at Konsulado hanggang April 15 sa pamamagitan ng sumusunod na paraan ng komunikasyon: social media, email, text message o personal.
Siguraduhin na susundin ang mga instuksyon at paalala na nakalagay sa mailing packet upang hindi mapawalang-bisa ang ma-invalidate ang balota.
“Tuwing Lunes at Huwebes, alas 9 ng umaga sa Italya, sa harap ng mga watchers at media ang Special Board of Inspection (SBEI) ay ipapasok ang mga balotang natanggap mula sa koreo o sa mga personal na dinala sa Embahada, sa Vote Counting Machine o VCM. Ito ang kahulugan ng paraan ng pagbibilang ay Electronic” ayon pa kay Nolasco.
Ang Embahada at Konsulado ay bukas para sa Overseas Voting para sa pagtanggap ng mga balota mula April 13 (alas 8 ng umaga) hanggang May 13 (alas 12 ng tanghali). Mula April 14 hanggang May 12, alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon.
“Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng mga ballot envelopes, kahit Sabado at Linggo, maliban sa Huwebes Santo at Biyernes Santo (April 18 at 19)”, paalala pa ng Ambassador.
Ang canvassing ng boto na natanggap ng PCG Milan at Embassy ay gagawin ng Special Board of Canvassers o SBOC sa Multi-Purpose Hall ng Embahada sa Roma sa May 13 alas 12 ng tanghali sa Italya. Ang SBOC ay magsasagawa ng pagbilang araw-araw hanggang makumpleto ang canvassng.
Narito ang mga link na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa Postal Voting sa Italya 2019
Postal Voting, paraan ng pagboto ng mga Overseas Voters sa Italya ngayong Mid-term Elections
Request sa pagkuha ng personal sa balota para sa Overseas Voting, extended hanggang April 15
Wala ang pangalan sa Certified List of Overseas Voters (CLOV), ano ang dapat gawin?
Maaari pa bang magparehistro para umabot sa pagboto sa 2019 elections?
Gabay sa Pagboto para sa mga Registered Voters sa North Italya, inilathala ng PCG Milan