Wala ang aking pangalan sa Certified List of Overseas Voters (CLOV), ano ang aking dapat gawin?
Naglabas kamakailan ng FAQS on Overseas Voting ang Comelec para sa 2019 Elections na nagbigay ng paglilinaw sa maraming katanungan ng mga Overseas Voters ukol sa nalalapit na botohan.
Narito ang ilang katanungan ukol sa ‘wala ang pangalan sa CLOV’:
- Wala ang pangalan sa CLOV, ngunit mayroong voter’s ID. Maaari bang bumoto?
“Hindi po. Ang basehan po ng inyong karapatang makaboto ay kung ang inyong pangalan ay nakalista sa CLOV na inilabas ng Comelec at hindi ang pagkakaroon ng voter’s ID”.
2. Wala ang pangalan sa CLOV, ngunit nakaboto naman noong nakaraang eleksyon?
“Isa po sa maaaring dahilan nito ay bagama’t naipadala ninyo ang inyong balota sa Embahada noong taong 2016, ito ay natanggap ng Embahada matapos magsara ang botohan. Ayon sa regulasyon ng Comelec, ang balotang natanggap matapos magsara ang botohan ay walang bisa o invalid at itinuturing na hindi kayo nakaboto sa naturang eleksyon. At kung hindi nakaboto sa huling eleksyon, bago ang 2016, ay maituturing na hindi nakaboto sa huling dalawang eleksyon at maaaring ito ang dahilan kung bakit na-deactivate ang voter’s records at natanggal ang pangalan sa CLOV sang-ayon sa batas”.
Ayon pa rin sa FAQS, “Kung hindi ganito ang pangyayari, maaaring magpadala ng mensahe sa COMELEC-Office for Overseas Voting (Comelec-OFOV) para sa kasagutan sa link na https://www.facebook.com/overseasvotingph/“.
Basahin rin:
Postal Voting, paraan ng pagboto ng mga Overseas Voters ngayong Mid-term Elections
Maaari pa bang magparehistro para umabot sa pagboto sa 2019 Elections?