in

Congratulations sa mga LSE Graduates!!

Nagsimula sa 37 students at aabot sa 450 sa kalahatian ng taon ang mga graduates. 

alt

Rome, Abril 24, 2012 – Ginanap noong nakaraang April 15 sa Collegio Filippino, sa Via Aurelia Rome ang Graduation Ceremony ng Basic Course LSE Batch 6 Firenze at LSE Batch 8 Roma, Practicum LSE Batch 3 Napoli at Practicum LSE Batch 4 Rome ng Associazione Pilipinas OFSPES.

Ang LSE o Leadership and Social Entrepreneurship Program ay naglalayong palalimin ang kaalaman sa larangan ng socio-cultural, political at economic aspects ng mga ofws. Ito ay ukol din sa Self-Discovery, Effective Communications, Conflict Management and Negotiations, mga training na malaking tulong upang tulungan ang mga OFWs na nagnanais mapalalim ang kaalaman sa pakikibaka sa buhay sa Italya. Hangarin din ng LSE ang lumikha ng new generations of leaders gayun din ng social entrepreneurs na magdudulot ng malaking pagbabago sa makabagong panahon.Ito ay isang mabisang sandata upang mabago ang pananaw ng mga ofw sa pag-iimpok at pananaw pinansyal at pagharap sa kinabukasan.

alt

 “The LSE program would like to improve ofws’ situation by developing skills, generating self-esteem and striving for excellence (Ateneo de Manila’s motto)”, paalala ni Maris Gavino ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas OFSPES.

Ito ay proyekto ng Ateneo School of Government (ASoG) sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas, POLO (Philippine Overseas Labor Office) at OWWA (Overseas Worker’s Welfare Administration).

Ang pagdiriwang ng Graduation Ceremony ay lalong naging makabuluhan sa pagdating ng Dean ng Ateneo de Manila University School of Government na si Antonio G. M. La Vina.

Pasasalamat ang kanyang hatid sa mga graduates at sa mga partners nito dahil sa pagyakap at pagtanggap ng mga ito sa proyekto. Ang patuloy na paniniwala sa layunin ng ASoG na nagsimula noong April 2008 sa Roma na nagkaroon ng 37 students at umabot rin sa Naples, Milan, Florence atTurin.

“I was also an ofw year 1980. I worked as caregiver for handicap people in Udine as volunteer, at dito ko nakita kung paano mamuhay ng malayo sa bansa”, kwento ni Dean La Vina.

“Improve and learn from failures and disappointments. You build a better life for you and your families, you build a bigger and better Philippines”, ang mga mensaheng iniwan ni Dean La Vina sa mga graduates patungo sa pagbabago.

Pagbabalik ng tiwala sa sarili ang mensahe ng WelOff Lyn Vibar. “They see the changing you, it might be long and hard, but you’re walking towards it.

“Dapat namin i-apply sa aming mga buhay ang aming mga napakinggan at natutunan. Ito ang magiging kumpirmasyon ng tagumpay ng okasyong ito”, ayon kay Anna Tricia Cruz Santos, isa sa mga graduates mula sa Roma.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 345 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ng LSE na inaasahang aabot sa 450 sa kalahatian ng taon sa pagbubukas ng Batch 10 Turin and Batch 11 Milan sa Mayo.

“Pinasasalamatan ng OFSPES sina Fr. Greg Gaston of Collegio Filippino, Fr. Romy Velos, Consul General Grace Fabella, Labor Attache’ Viveca Catalig, Welfare Officer Ruth Rosalyn Vibar, Dr. Di Arcangelis ng La Sapienza University of Rome, OFSPES Representative sa Florence, Ms. Alexandra Ganzon at ang Dean ng Ateneo de Manila University School of Government, Antonio La Vina and his wife, Carmen, and the Executive Committee of OFSPES”, pagtatapos ni Maris Gavino.

alt

alt

alt

 

 

 

 

 

 

alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pito’t kalahating taon, hatol na pagkakabilanggo sa isang Pinoy

Huling pagdiriwang ng kapistahan ni BLESSED PEDRO CALUNGSOD, ipinagdiwang ng mga Cebuano sa Roma