Manila – Libu – libong mga Pilipino ang nag sama sama sa isang matagumpay at matahimik na protesta laban sa pork barrel issue sa bansa. Ang rally ang naganap noong lunes ika 26 ng Agosto . Ayon kay PNP spokesperson, Reuben Sindac, ay may mga 70,000 ang dumalo sa nasabing protesta. Batay naman kay Peachy Bretana, isa sa mga organizers , ay umabot daw sa mga 400,000 ang dumalo buhat sa ibat ibang panig ng lipunan, civic organizations, students groups catholic ang other religious groups, showbiz personalities at mas maraming normal na mga Pilipino dumalo upang makiisa sa galit sa corruption . Ito ang pinakamalaking protesta simula noong mahalal si Pres Benigno Aquino III na noon ay nangakong susugpuin niya ang talamak na kurapsyon sa gobyerno.Ang usapin ay lalong napansin ng mga Pilipino buhat nang matuklasan ang maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel ng ilang mga nahalal na mambabatas at ng kasabwat ng mga ito na si Jeanne Napoles.
Ang nasabing rally aynaiiba dahil ngakaroon ng ibat ibang mga pagtitipon sa loob ng Rizal Park. Pag katapos ng parade ay nagtipon tipon sa Grand stand upang pakinggan ang mga pangunahin at kilalang mga leaders ng lipunan. Si Kard. Luis Antonio Tagle, Archbishop of Manila ay nagsabing “mahalin ang naapi at mahirap bilang tunay na kapatid, pakinggan ang tibok ng puso ng bayan at making sa asalita ng Diyos”. Ang actress na si Mae Paner o Juana Change na nakasuot ng maskarang baboy ay nagsabing naroon siya upang “ makiisa sa lahat ng pilipinong nais sugpuin ang pork barrel sysrem sa bansa”.
Sa ibang panig naman ng parko ay nagkaroon ng “free concerts” ang mga showbiz stars na nakiisa kasama ang mga church choirs ng mga religious groups sa kanilang itinatag na prayer rally.Ang mga taga business sector kasama ng ilang NGO leaders ay nag organisa naman ng discussion groups upang higit pang maintindihan ng iba ang tunay na nangyayari sap era ng gobyernong galling ding sa buwis.
Ang million March Protest ay isinagawa din ng mga Pilipino naninirahan sa ibang bansa kung saan sa Roma ay nagkaroon ng signature campaign para sugbuin ng pork barrel at corruption sa Pilipinas.