in

1 ang patay at 4 ang sugatang Pinoy sa aksidente sa Milano

Isang Pilipina ang namatay habang 4 naman ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang sasakyan at naging dahilan upang ito ay sumagasa sa isang grupo ng mga Pilipino na nakaupo sa terasa ng isang condominium sa Milano. Bandang alas 10 ng gabi ng mangyari ang trahedya.

Ang biktima na nakilalang si Levita Dacillo, 61 anyos, ay binawian ng buhay matapos itong masagasaan ng sasakyang minamaneho ng isa ring Pilipina, 51 anyos, sa loob ng paradahan ng sasakyan ng isang condominium sa via Privata Bisceglie 74 sa Milano.

Sa nangyaring aksidente ay may apat pang sugatan na mga kamag-anak din ng biktima. Ayon sa mga saksi, ang mga ito ay nakaupo sa  labas ng lugar kung saan nagtitipon tipon ang isang religious association ng mga Pilipino. Ang mga nagtamo ng pinsala ay isang lalaking 41 anyos, 2 babaeng 38 at 51 anyos, at isang 10 taong gulang na batang lalake. Ang mga nabanggit ay hindi naging malubha ang kalagayan.

Umabot pa ang biktima sa Policlinico ngunit dahil na rin sa lubha ng kalagayan gawa ng matinding tama ay agad din itong binawian ng buhay.

Base sa imbestigasyon na isinagawa ng mga municipal police, ang nakasagasa ay nagaayos ng parada ng kotse nang bigla itong mawalan ng kontrol. Ang Dacia Duster ay rumagasa papunta sa isang grupo ng mga kamag-anak ng biktima na nakaupo sa may terasa ng condominium.

Sa ginagawang imbestigasyon ay napagalaman din ng mga awtoridad na ang driver na nakasagasa ay walang lisensiyang balido sa bansang Italya.

 

Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Kabataan, binigyang parangal sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma

Mga dapat Malaman Tungkol sa Depresyon sa mga Bata at Teens