in

1-day Basketball League ng KMP, isang tagumpay

Isa sa layunin ng KMP o Kapisanan ng mga Mangagawang Pilipino ang itaguyod ang sport.

Ascoli Piceno – Marso 26, 2013 – “Fun and excitement” – ito ang tema sa  ginanap na 1-day Basketball League sa Ascoli Piceno noong nakaraang linggo, ika -17 ng Marso. Sinalihan ito ng 6 na kupunan, ang Mancini team ng Roma, Ancona, Pescara, L'aquila, Filipino Community of Arezzo at ang host team sa Ascoli Piceno, ang KMP.

Halos 600 na Pilipino ang dumalo at nanggaling pa sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Nanalo sa nasabing palaro ang grupo buhat sa Roma, at ang MVP award ay iniuwi naman ng manlalarong si Mac Alviar at kasama din sa mythical 5 ang kapatid nitong si Paul Alviar.

Pumangalawang ang host team, ang KMP at kasama sa mythical 5 and dalawang manlalaro nito na sina Marc Jeron Macadang at Enrico Tiu. Pumangatlo naman ang kupunan ng Ancona. 

Samantala, ang Minor awards tulad ng Best in Uniform ay nakuha ng L'aquila, at ang kupunan ng Ancona, naman na kinakitaan ng mahusay na teamwork at disiplina ay nakuha ang Most Disciplined team at Best Coach. 

Umingay ang Palestra ng ipakilala na at nag-showdown ang mga muses ng mga kupununan. Ang naging mutya ng liga ay si Binibining Sharmaine Zabala. ng KMP Ascoli Piceno. 

Sa likod ng tagumpay ng kaganapang noong nakaraang linggo, ay matatagpuan ang pagod, sakripisyo at kahusayan ng bumubuo ng grupo, ang  KMP o Kapisanan ng mga Mangagawang Pilipino. Itinatag noong 1997 at sa kasalukuyan ay pinamumunuan ng bagong halal na Presidente na si Mr. Chris Dugay, kasama ang mga opisyales nito.

Isa sa mga layunin ng grupo ang itaguyod ang sport. Dahil dito ang organisasyon ay unti-unting nakilala sa buong Italya dahil sa taunang pagpapalaro ng basketball at volleyball.

Bukod sa layunin ito, ay aktibo din ang KMP sa mga proyekto ng lokal na gobyerno ng Ascoli para sa mga imigrante. Ibinabahagi ng grupo ang kulturang Filipino sa  pamamagitan ng cultural dances at exhibits ng mga Filipino products, at dishes sa mga cultural events. 

Ang KMP ay isang magandang halimbawa ng pagkakaisa ng mga Filipino. Hindi hadlang ang kakaunting bilang ng mga  miyembro upang maabot ang mga naging accomplishments nito.

 

    

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian-Filipino Chess Team Goodwill Match, sa paglulunsad ng FEMICA

Hari ng 9-Balls, mula sa Firenze