in

1-Day Dart Tournament sa Roma, tagumpay!

Rome, Enero 16, 2013 – Tagumpay ang kauna-unahang Pinoy dart tournament dito sa Roma, Italya. Sa pangunguna ng AS Fil-Roma, natunghayan ang pamumukol ng 12 dart players para sa titolong ‘Asintado King’ noong nakaraang ika-6 ng Enero 2013 sa Cornelia Club.

Matapos magtunggali sa larong 501 at Killers, kinilalang kampeon ng 1-Day Dart Tournament si Ronell Estoy, ikalawang puwesto si Allan Santos at ikatlong puwesto si Larry Corpuz.

 Sa paglalaro ng 501, unahan ang 2 manlalaro na maubos ang 501 na puntos samantalang  sa Killers ay unahang maka-‘close’ o ‘3 points’ ng isang bilang mula 20 hanggang 12 at bull’s eye and cherry.

Masasabing hindi pahuhuli ang Pinoy sa larangang ito dahil may isang Pinoy dito sa Italya ang gumagawa na rin dati ng ingay sa paglalaro ng dart. Ang dating taga-Roma na si Oliver Flores ay isang mamumukol ng Federazione Italiana Gioco Freccette na kilalang nakikipagsabayan sa mga kilabot na dart players ng Italya.

Sa likod ng tagumpay ng torneo, umaasa ang mga organizers na sina Teddy Perez, Luis Salle at Dante Genil na magpapatuloy ang paglalaro ng mga Pinoy ng dart.

Ayon rin kay Rene Buenavente na isa sa mga nangungunang tagapagpalaganap ng torneo na ito na sana ay mas dumami pa ang mga miyembro para maganap ang isang season ng nasabing tournament.

Kasabay sa naganap na torneo ay opisyal na naitatag ang grupo na ngayon ay kikilalaning Pinoy Darters in Rome, na umaasang magbibigay ng sariling pagkakakilanlan para sa mga Pinoy na dart players at makapang-enganyo ng iba pang kababayan natin na subukan ang larong  ito. Kasama ang AS Fil-Roma, ang Pinoy Darters in Rome ay may mga nakaplanong mas malalaking torneo para lubos na mahasa ang bawat manlalaro na dapat nating abangan at suportahan. (ulat at larawan ni: Jacke de Vega)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, binawian ng buhay matapos masagasaan

Pilipinas, kabilang sa “46 Places to go in 2013” ng NY Times