Isang kahon ng asin sa halip na cellular phones ang naging kalapit ng € 200.
Ito ang masaklap na pangyayaring ini-report ng isang 31 anyos na Pinoy sa Questura ng Vicenza matapos maloko ng isang diumanoy may pinansyal na problema.
Ayon sa ulat, ang Pinoy ay nilapitan umano ng isang 40 anyos na Italyano sa San Felice Vicenza kamakailan na humihingi ng tulong at nagbebenta ng dalawang bagong cellular phones, 1 Samsung at 1 iphone sa halagang € 500 euros.
Nakipag-tawaran ang Pinoy hanggang umabot sa halagang € 200. Umalis ngunit mabilis na nagbalik ang humihingi ng tulong dala-dala ang isang kahon. Iniabot sa Pinoy kapalit ng dalawang daang euros na napagkasunduan ng dalawa.
Sumakay sa sasakyan at umalis agad ang Italyano dahil dito ay nagkahinala ang Pinoy at nagmadaling buksan ang kahon.
Isang malaking sorpresa dahil sa halip na dalawang telepono at isang kahon ng asin ang nasa loob nito.
Isang lumang modus operandi na patuloy na nakakabiktima kahit mga Pinoy.