in

1 taong batang Pinoy, namatay matapos painumin ng asperin ng ina

Isang taong gulang na bata ang namatay noong nakaraang sabado matapos painumin ng kanyang ina ng aspirin. Ang aspirin ay maaaring maging sanhi ng Reye’s syndrome, bihirang mangyari ngunit sa kasamaang palad ay nangyayari.

Milano, Enero 13, 2013 – Bandang alas 10.30 ng umaga ng sumakabilang buhay ang isang taong gulang na bata sa isang apartment sa Piazza Insurbia – Milano, matapos painumin ng kanyang ina ng aspirin. 
 
Ayon sa report ng pulisya, Biyernes ng gabi ng bigyan ng asperin ng isang nanay na Pilipina, 20 anyos, ang kanyang anak na isang taong gulang upang madaling gumaling sa trangkaso.

 
Isang normal na reaksyon ng kahit na sinong ina. Ngunit kinabukasan, ayon sa kwento ng ina sa pulisya, ay hindi na humihinga ang batang natagpuan nito. 
 
Hindi nag-atubili ang ina na tumawag sa 118 ngunit huli na ang lahat. 
 
Paalala: Sa paghihintay ng malinaw na dahilan ng pagkamatay ng bata, narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng aspirin sa mga bata at sa kabataan:
 
Ang aspirin, na kilala rin bilang acetylsalicylic acid, ay isang uri ng gamot na karaniwang iniinom ng mga nakatatanda bilang analgesic, para matanggal ang minor aches and pains; bilang antipyretic, para bumaba ang lagnat at bilang anti-inflammatory medication
 
Gayunpaman, sa mga bata at kabataan, ang aspirina ay hindi na ibinibigay upang labanan ang mga sintomas ng trangkaso – o ng iba pang kilalang viral diseases. Dahil sa katunayan ay mapanganib ito at maaaring maging sanhi ng Reye’s syndrome. Ito ay isang uri ng karamdaman at ang mga dahilan nito hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw, na karaniwang lumalabas matapos ang pag-inom ng acetylsalicylic acid.
Sa kasamaang palad, ang mga biktima ay halos puro mga bata at karamihan sa mga kasong ito ay namamatay. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EU – “Ang ibigay sa anak ang apelyido lamang ng ina ay isang karapatan”

Pinoy, tumanggi sa alcohol test at nilabanan ang awtoridad, arestado