in

10 Scholarships para sa Sapang Bato

Sampung mga kabataan sa Sapang Bato, Angeles ang makakatanggap ng scholarship sa pamamagitan ng sports. 

 

Isang makabuluhang layunin sa pamamagitan ng sports, partikular sa gaganaping ‘stage’ ng Arnis, ang kilalang martial arts at national sport ng Pilipinas, kung saan ituturo ang mga pangunahing teknika nito sa personl defense gamit ang stick, patalim o kutsilyo at kamay. 

Pangungunhan ang Arnis Stage ni Grand Master Rodelo Ubaldo, residente sa Mantova, isang Black Belter at Senior Master ng Sikaran School sa Laguna. Si Ubaldo rin ay isa sa mga founders ng Italian Federations of the Filipino Martial Arts. Ang GM ay tumanggap na ng maraming parangal kabilang dito ang ‘One of the Best 100 Martial Artist of the Philippines’ noong 2013, ‘One of the Best 300 Martial Artist of the World’ noong 2015 sa Barcelona at ‘Hall of Honors’ noong nakaraang Hunyo sa Barcelona. 

Samantala, panauhing pandangal rin si Master Andrea Rollo mula sa Kali Istukada Miranda School, ang tatlong beses na World at European Champion at Italian stick-fight champion.  

Ang malilikom mula sa proyektong ito na gaganapin sa Linggo, Sept 17 sa Palestra NES sa Mostacciano ay ipagkakaloob sa sampung mga kabataan sa Sapang Bato upang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Ito ang aking unang proyekto sa filipino community at inaasahan ko ang suporta ng marami upang ito ay magpatuloy sa mga susunod pang mga proyekto”, ayon kay Giacomo Santamaria, ang organizer ng inisyatiba at miyembro ng RBGPII Guardians

Ang Sapang Bato ay isang barangay sa Angeles at ang mga kabataan dito ang napili ko dahil bagaman bumuti na ang sitwasyon dito ay nananatiling mahirap ang pinagdadaanan ng mga kabataan para sa tunay na integration“, dagdag pa ni Santamaria. 

Para sa mga impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa numero 3802879630

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carlotta, ang Pinay model sa Bologna

Ius soli, hindi pa rin tatalakayin sa Senado ngayong Setyembre