in

10 taong Anibersaryo ng GPII ANTI-CRIME ITALY, ipinagdiwang

Service through strong brotherhood”, ang mission vision ng nasabing grupo.

Rome, Enero 21, 2013 – Ipinagdiwang noong nakaraang linggo, Enero 13 sa Via Dandini, Rome ang ika-sampung taong anibersaryo ng pagkakatatag ng GUARDIANS PHILIPPINES INTERNATIONAL INC. (GPII) ANTI-CRIME ITALY.

Sa pangunguna ng Country President na si Benjamin Eclarin, ng buong pamunuan at mga kasapi, kabilang ang mga panauhing pandangal na sina Ambassador of the Philippines to the Holy See Mercedes Tuason at mga konsehal sa Roma sa pangunguna ni Romulo Salvador, ang buhat sa business sectors at mga Community leaders, ay matagumpay na ipinagdiwang ang nasabing anibersaryo.

“Ito po ay nangangahulugan lamang na ang GPII ANTI-CRIME ITALY ay may magandang layunin at adhikain”, buong pagmamalaki ng Country President.

Bukod sa mga kasapi sa Roma ay kabilang na dumalo ang mga miyembro ng Chapters buhat sa ibang lalawigan ng Italya.

Ginanap rin ang makabuluhang panunumpa ng mga officers para sa dalawang taong paglilingkod at mas malalim na pagkakapatiran para sa bayan at sa kapwa.

Taong 2002 nang sina MR. NELSON “FRMG ISRAEL” BARONIO at MR. ARTHUR “FRMG MUSANG D’EUROPA” MANAOG ay nag-adhikang itatag ang GPII ANTI-CRIME ITALY.

Matapos ang pagdiriwang ng 4th National Convention sa Maynila noong 2008 na dinaluhan ng halos 600 delegates mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ng mundo, ang GPII ANTI-CRIME ay itinaas bilang opisyal na international organization at tinawag na GPII ANTI-CRIME-GUARDIANS PHILIPPINES INTERNATIONAL INC.

Layunin ng grupo, sa simula pa man, ang pagiging isang tunay na “GUARDIANS”— G-gentelman, U-united ,A-advocators, R-race, D-dauntless, I-ingenious, A-advocators, N-nation, S-society o sa wikang tagalong ay MGA MAGINOO AT NAGKAKAISANG KATUWANG NG LAHING PILIPINO,MAGIGITING AT MAALAM NA TAGAPAGTANGGOL NG BANSA AT LIPUNAN.

Service through strong brotherhood”, ang mission vision ng nasabing grupo na kanilang gabay sa pagpapalwak nito sa pamamagitan ng mga Chapters sa iba’t ibang pangunahing lungsod at lalawigan sa Italya tulad ng Roma, Treviso (Veneto), Toscana at Ancona.

Kasalukuyang bahagi rin ng ‘East Cluster’ ng Sentro Pilipino ang GPII-ANTI CRIME ITALY bilang patunay ng pagiging maka-Diyos, maka-pamilya at maka-tao ng buong grupo.

Sa tulong ni MR. AUGUSTO “FRMG LEO21” VICENCIO, si Benjamin “PFRMG BENJO” Eclarin, Jr., ay napabilang sa nasabing samahan taong 2008. Makalipas ang sampung taon, ang kanyang pagsusumikap gampanan ang mga tungkulin, sa kanya ay naatang ay itinalaga bilang National Legion Italy President sa ginanap na pagdiriwang ng 6th National Convention noong nakaraang Nobyembre sa Pilipinas.

NATIONAL LEGION ITALY OFFICERS:

COUNTRY  PRESIDENT – Benjamin “PFRMG BENJO” Eclarin, Jr.

VP Admin. – Mr. Eduardo “FGGF SCORPION 29” Malazan        

VP Opreration – Ms. Josephine “RMG AJ8” Velasco (Treviso)

Secretary General – Ms. Juanita “RMG MEGA” Eclarin

Treasurer – Ms. Bernarda “RMG VARGA” Guevarra

                   Ms. Mildred “RMG MD” Diono  (Treviso)

Auditor – Ms. Elsie “RMG ATE VI” Malazan

                Ms. Cecilia “RMG CECIL” Dolendo

P.R.O. – Mr. Bonilie “RMG JOE” Panigua – (Treviso)

National Commission: Mr. Albert “FGAF MIGO” Ayatin  (Treviso)

DEPUTY COMMISSION: Mr. Manny “RMG MJ” GALOPE

Tribunal Chairman: Ms. Gemma “RMG SMILE” Abrigante (Treviso)

DEPUTY:Mr. Ericson “RMG ERIC” Ninofranco  (Ancona)

  

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Imigrante, patuloy ang pagdami sa Florence

Hindi kailangan ang carta di soggiorno para sa disability fund