in

13-anyos na buntis, pinagsamantalahan ng sariling ama sa loob ng ospital

Arestado ng mga kapulisan ang isang Pinoy matapos nitong pagsamantalahan ang kanyang anak sa Hilagang Kanluran ng Italya.  Ang episodyong ito ay nangyari mismo sa loob ng hospital kung saan naka-confine ang menor de edad.

Ayon sa batas ng Italya, hindi pinapayagan ang mga “sexual contacts” sa mga menor de edad.  Dahil nga sa napagalaman na buntis ang menor de edad na biktima at bakas sa mukha nito ang takot, malakas ang naging hinala ng mga alagad ng batas na may mga hindi tamang nangyayari.  Iniiwasan din nitong pag-usapan ang tungkol sa ama ng dinadalang bata.  Paiba-iba ang kanyang bersyon kung saan nakilala ang ama ng bata. Dito na napagdesisyonan ng mga awtoridad na magmatyag at maglagay ng mga CCTVs sa ospital sa pakikipagtulungan ng special task force na binubuo ng  local police, state police, at special team ng carabinieri. Nakita sa mga video footages ang ginawang pagsasamantala ng ama na naging daan upang arestuhin ang maysala noong mga unang araw ng buwang ng Hulyo.

Kinumpiska din ang mga cellphones ng lahat ng miyembro ng pamilya na maaring makapagbigay ng mas malinaw na impormasyon sa kaso.  Nagtalaga na din ang servizi sociali per minorenni ng special team para sa counseling assistance at nagsagawa na ng DNA test upang malaman kung sino ang ama ng bata. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pagtitiis – Tampok na Paksa sa susunod na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa tagalog

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Pagtatapos ng Reddito di Cittadinanza, nagsimula na sa mga nakakarami!