Nakamit ng 13 years old na si Jimberly Amazona ng Firenze ang titulo ng unang “Miss Mutya ng Pilipinas-Italy 2010” na handog ng FEA-Filipino European Association of Empoli sa pakikipagtulungan ng Smart Pinoy at CFCT – Confederation of Filipino Community in Tuscany. Ito ay ginanap sa Palazzo del Esposizione sa Empoli noong Marso 14, 2010. Labinglimang naggagandahang dilag ang lumahok sa okasyong ito na nagmula sa Roma – Jollyvette Simon, Pisa – Carla Alviar, Bologna – Alessandra del Rosario, Montecatini – Daniela Agostini, Arezzo – Nalla Valeria Reano, Viareggio – Maria Patricia Jimenez, Imperia – Anna Lavinia Yambao, Modena – Kaye Dalawangbayan, Ancona – Sherica Quiohilag, Siena – Brenda Razon, Firenze – Jimberly Amazona, Pamelo Ruth Baon, Melody Pinto, Laurence Grace Calero at Jasmin Aquino.
Ang mga magagaling na Judges na talagang nahirapan sa pagpili ngunit fair at credible ang naging results ay sina TFC Sales Manager Europe Cesar Calangan, DMCI Manager Marites Malco, Smart Pinoy Europe Manager Leo Giovanni Jose, Consigliere Aggiunto Romulo Salvador at Consigliere Aggiunto Pia Gonzales. Naging makulay ang okasyon dahil ito ay hosted ni “Multi-Talented Artist Performer Mr.Armand Curameng” ng Palermo, siya rin ang naging gabay at katulong upang ito ay maging matagumpay. Nakamit ni Laurence Grace Calero ng Firenze ang First runner-up, Janine Carla Alviar ng Pisa para sa Second runner-up, Pamela Ruth Baon ng Firenze Third runner-up at Kaye Dalawangbayan ng Modena ang Fourth runner-up. Tinaguriang “Miss Mutya ng Pilipinas Charity” si Kaye Dalawangbayan, first runner-up si Charity Brenda Razon at second runner-up si Charity Pamela Ruth Baon.
“Ayon kay FEA President Dennis Reyes ang bawat activities ng kanilang organisasyon ay isang proyektong ang layunin ay makapagbigay kasiyahan, maipakita ang kulturang Pilipino, ang ating mga natatanging ganda, talento at talino at higit sa lahat ang makatulong sa ating mga kababayan nangangailangan sa Pilipinas” . Sila ay regular na nagbibigay tulong sa Bantay Bata 163, sa ngayon merong silang naipangakong tulong sa halagang 50,000 pesos para sa mapipiling batang may sakit at ito ay maaaring madagdagan pa, tulong din para sa Sagip Kapamilya, Tuloy Aral at CGMA, magbibigay din sila ng tulong sa CFCT para sa karagdagan pondo ng samahan. Dahil dito ipinagkaloob ng butihing Honorary Consul Fabio Fanfani, CFCT President Percival Capsa, CFCT Adviser and Councilor Divina Capalad, at CFCT Leaders and Officers ang isang plaque of recognition sa FEA sa kanilang mahusay na President Dennis Reyes isang natatanging pagkilala bilang Model Association in Tuscany.
“Hindi ko po inaasahan na ako ay mananalo sa concorsong ito…una pinanghinaan ako ng loob na baka di ko kayanin, ngunit na realized ko na ang pinakamahalaga ay ang magkaroon ng tiwala sa sarili, sana ito na ang simula ng katuparan ng aking pangarap na maging isang professional model. Nagpapasalamat po ako una sa Diyos, sa aking mga magulang sa kanilang suporta, sa mga taong tumulong sa akin, sa FEA kay Pres. Dennis Reyes, sa mga Judges at sa mga kasamahan kong candidates ayon kay Jimberly”
Ang pamunuan ng FEA, Officers at Members ay nagpapasalamat sa mga messages mula kina Tina Munsod Palma ng Bantay Bata, Minister and Consul General Danilo Ibayan, Phil. Embassy Attache Nancy Pantoja, Labor Attache Chona Mantilla at OWWA Welfare Officer Andrelyn Gregorio. Sa mga Filipino Associations Presidents at Representatives, Religious Sectors, Guardians na namahala sa security sa pamumuno ni Marlon Artates, Kay Father Cris Crisostomo sa kanyang invocation prayer, sa Pahayagang Ako ay Pilipino, Filipino Entrepreneurs ng Tuscany, Roma, Bologna, Emperia, Ancona at Palermo, sa mga magulang ng candidates, sa mga cute Little Kids, guest from Ginoong Pilipinas, Miss Body Beautiful, Mrs. Tuscany at Ms. FEA Tuscany, sa mga nagbigay ng intermission number at kay Alvin Umahon namahala sa fliers at posters.
Naging ganap na matagumpay ang okasyon dahil sa mga major sponsors tulad ng Smart Pinoy, TFC-ABS-CBN, Computer Discount Pisa, UniCoop Empoli, NEOS Finance, BNL Banca Nazionale del Lavoro, BDO, RCBC, PNB, DMCI Homes, FilInvest, Mr. and Mrs. Simone and Carol Stefaneli, AVIDA Land and Houses, CFCT Confederation at Honorary Consul Fabio Fanfani. (Argie Gabay)