Multado sa Roma ang 15 Pinoy dahil sa paglabag sa mga ipinatutupad na anti-Covid protocol at preventive measures.
Ang may-ari pati ang mga suki ay multado matapos mahuli sa akto ng mga nagpa-patrol na kapulisan na nagkakainan sa loob mismo ng isang Pinoy restaurant sa Roma.
Matatandaang nasasaad sa decreto Riaperture ang pagbubukas sa publiko ng mga bars at restaurants sa outdoor o open space lamang at ipinagbabawal pa hanggang sa kasalukuyan ang konsumo sa loob ng mga nabanggit. (PGA)