Roma, Hulyo 23, 2012 – Sumama ang pakiramdam ng 16 na taong gulang na binatilyo matapos diumanong uminom ng nagyeyelong drinks habang naglalaro sa pampang ng dagat sa Ostia, malapit sa “Happy surf” stand. Kasalukuyang malubha ang kalagayan sa San Camillo Hospital.
Ayon sa mga report, makalipas ang halos ala una ng tanghali noong nakaraang Miyerkules, ng ang binatilyo, residente sa Ostia, ay lumangoy sa dagat matapos diumanong uminom ng nagyeyelong drinks.
Sumama ang pakiramdam nito, maaaring sanhi ng congestion at atake sa puso. Mabilis naman ang naging pagsaklolo ng mga kaibigan at ng lifesaver. Sinugod sa San Camillo Hospital sa pamamagitan ng air ambulance at kasalukuyang nasa malubhang kalagayan.
"Sa simula ng summer season- ayon sa mga pananalita ni Lorenzo Savarese, kapitano ng port of Ostia – ito ay ang ikalimang kaso sa aming nasasakupan mula Fregene sa hanggang Anzio. Lahat ay pawang mga kabataan na matapos makapananghalian, ay uminom ng malamig na inumin bago ang magtungo sa dagat."