Halos limang buwang stranded sa Venice ang 18 Pinoy seafarers. Nag-mistulang mga preso sa ilang buwang pagkaka-impound ang mga Pinoy ngayong araw na ito ay nakatakda ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas.
Milan, Mayo 31, 2016 – Makalipas ang 5 buwan ay makakauwi na rin ang 18 stranded Pinoy seafarers. Ngayong araw na ito, Martes May 31 alas 6:30 ng gabi (Italy time) ang kanilang lipad mula sa Venice pauwi ng Pilipinas.
Sila ay lulan sa MV DST OSLO cargo ship, kasama ang Syrian Master at Greek Chief Engineer, mula sa bansang Greece patungo sa PORT OF MARGERIA sa Venice Italy noong March 30, 2016 upang mag-diskarga ng mga tone-toneladang soya beans.
Ngunit ayon kay Chief Officer na si Rolando Leonardo Buenaventura, bago pa lamang makapasok sa perimeter ng Port of Margeria sa Venice, ay hinarang na sila ng mga coast guard at hindi na sila pinayagang bumaba mula sa kanilang barko.
Napag-alamang blacklisted umano ang naturang shipping company dahil sa hindi pagbabayad nito ng mahigit 400,000 euros na halaga ng krudo sa isang oil company sa Venice mula pa noong buwan ng Hulyo 2015. Bukod pa sa mahigit 350,000 euros na pagkaka-utang din nito sa Genova.
Samantala, sa panayam ng Ako ay Pilipino kay OWWA Officer Jocelyn Hapal ng Milan ay isiniwalat nito na nakatanggap ng isang email mula sa isang seafarer.
Na naging dahilan ng pagsugod noong April 4, 2016 ng mga kinatawan ng OWWA Milan sa Venice upang alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan.
Nag-mistulang mga preso ang labing walong mga Pinoy sa ilang buwang pagkaka-impound ng DST OSLO. Unti-unting nauubos ang kanilang supply ng pagkain at tubig. Ngunit laking pasasalamat ng mga seafarers sa Filipino community sa Venice at sa isang Italian priest na si Father Luigi at hindi sila pinabayaan.
Ang source ng kanilang elektrisidad ay nakadepende sa krudo na nagpapatakbo ng generator subalit napagkasunduan nila na limitahan ang pagpapaandar nito upang makatipid sa krudo. Ang kanilang kuryente ay mula 6am hanggang 2pm, at sa pagitan ng mga oras na nabanggit ay nagluluto na sila ng kanilang panghapunan at mga kakainin sa kinabukasan.
Maliban sa mahirap nilang sitwasyon ay malaki rin ang kanilang problema sa sahod. Hindi nila natanggap ang kanilang sahod mula pa noong buwan ng February at natanggap lamang ang allotment para sa buwan ng February at March na nagkakahalaga ng mahigit 160,000 dollars.
Ang 18 seafarers ay hawak ng EVIC human resources agency, kung kaya’t nakipag-ugnayan ang Philippine Consulate General in Milan sa POEA sa Pilipinas upang kausapin ang ahensiya na pinanggaling ng mga ito.
Samantala, sa tulong ni Welfare officer Jocelyn Hapal ay nakakuha ang mga seafarers ng mga kaukulang dokumento para sa kanilang lipad pauwi ng Pilipinas.
Kumpirmado na hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang sahod ayon kay Mado Mari Sabarre, ang 3rd Officer.
Gayunpaman, laking pasasalamat ng mga seafarers na sila ay makakauwi na sa Pilipinas upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya at doon na rin nila umano aasikasuhin ang kanilang sahod direkta sa agency na kanilang pinagaplayan.
Pangalan ng mag seaferers
Leonardo Rolando Buenaventura Chief Officer
Ibañes Victorio Coroza 2nd Officer
Mado Mari Sabarre 3rd Officer
Banaban Luvimin Balore 2nd Engineer
Inocencio Simeon Hernandez 3rd Engineer
Nique Virgilio Namud 4th Engineer
Cabug Reynaldo Laga-ac Electrician
Delos Santos Glingly Ancheta Able seaman
Majarucon Alan Rey Estoce Able seaman
Cunanan Carlo Tena Able seaman
Caluza Kelvin James Lucino Ordinary seaman
Gabarda Gerald Gabrentina Ordinary seaman
Aguilar Bonifacio Prestoza Fitter
Dimaculangan Nickson Cris Guno Oiler
Espejo Francis Pagat Oiler
Limet Wilfred Gajonera Cook
Malagusan Windel Villahermosa Messboy
Galimbas Judy Balansag Messboy
Mouneim Hesham Ahmad Master (SYRIA)
Bilionis Petros Andreas Chief Engineer (Greek)
ulat ni: Chet de Castro Valencia
larawan buhat sa OWWA Milan