in

2 Pinoy, ligtas sa nangyaring bangaan sa Tangenziale Modena-Sassuolo

Ligtas ang dalawang Pinoy sa nangyaring aksidente sa kahabaan ng Tangenziale Madonna-Sassuolo kamakailan.

Ayon sa paunang ulat ng mga awtoridad, mga bandang alas 10:20 ng umaga ng mangyari ang aksidente na nagdulot ng mahabang trapiko na tumagal ng halos dalawang oras.

Ayon sa mga nakasaksi ang mga sangkot na sasakyan ay papunta sa direksyon ng Baggiovara. Ang truck, sakay ang dalawang Pilipino na may kargang mga pallets ay nakahinto ng sumalpok sa likod nito ang delivery van, sakay ang 3 Italyano: dalawa ang taga Sassuolo at ang isa ay residente sa Napoli.

Pilit iniwasan umano ng driver ng van na puno ng pagkain at inumin ang pagsalpok sa malaking truck na nakahinto sa harapan ngunit bumangga pa rin ito sa bandang kaliwang likod ng heavy truck. Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon palabas ng sasakyan ang isa sa mga sakay ng delivery van.

Ang driver at katabi naman nitong pasahero ay malubhang nasugatan at kinailangan pa ang tulong ng mga bombero upang mailabas ang mga ito mula sa kanilang kinauupuan.

Samantala, ligtas naman ang dalawang Pinoy na sakay ng heavy truck. Nasa kamay na ng mga awtoridad ang mga sasakyan at mga reports habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol sa aksidente at sa naging sanhi nito.

 

Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BUHAY OFW SA ITALYA

Mind Master, 3 day event para sa Chess at Dama