in

2 magkapatid na Pinoy, nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga menor de edad, arestado

Latina, Hulyo 17, 2012 – Dalawang pusher na magkapatid ang inaresto noong nakaraang linggo July 15, parehong mga residente ng Latina, 20 at 21 taong gulang, batikan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, tulad ng marihuwana at hashish sa mga kabataan ng Latina.

Ayon sa mga report, ang mga kliyente ay pawang mga menor de edad, nasa pagitan ng 12 at 15 anyos. Karaniwang tagpuan ang mga public park sa Latina na tumatagal lamang ng ilang minuto, pagkatapos nito ay naghihiwa-hiwalay na ang mga ito.

Dahil nga sa paroo’t parito ng mga kabataan sa tennis court ng Arnaldo Mussolini park ay naging kahina-hinala ang mga ito sa mga awtoridad. Matapos ang mga pagpapanggap ng awtoridad bilang tennis player ay kanilang nasaksihan ang bentahang naganap noong nakaraang linggo sa pagitan ng menor de edad at pusher.

Pagkatapos nito ay isang raid sa tahanan ng magkapatid kung saan natagpuan ang 67.6 grams ng hashish, 108.7 grams ng marijuana at cash amount. Ang mga natagpuang ipinagbabawal na gamot ay handa na upang timbangin at i-pakete upang ipagbili.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship sa mga ipinanganak sa Italya, nais ibigay ng 7 sa bawat 10 Italyano

Mag-aaral na Pilipino sa Firenze, ika-apat sa pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral na dayuhan