Ang 23 Sportelli Unici na isasara at isasama na lamang sa mga tanggapan sa ibang probinsya, tulad ng unang ibinalita, ay hindi na gagawin. Alfano: “Mahalaga ang pananatili ng mga prefecture”.
Roma, Disyembre 9, 2015 – Mapipilitan ang mga dayuhang mag-biyahe papuntang ibang lugar para sa aplikasyon ng family reunification o para sa pag-schedule ng italian language test para sa carta di soggiorno. Ito ang kinatakutang reorganization ng mga prefecture at ng mga Sportello Unico per l’Immigrazione na ipapatupad ng gobyerno.
Ngunit tila ang gobyerno ay nagdalawang isip. “Ako ay nagsulong ng isang panukala sa Stability law 2016 upang ang mga Prefecture ay manatiling lahat, bilang mahalagang tanggapan ng estado sa panahong ang kanilang presensya ay mahalaga para sa seguridad at social security ng mga mamamayan”, paliwanag noong nakaraang Sabado ni Interior Minister Angelino Alfano.
“Ang aking panukalang susog – dagdag pa ng Ministro – ay layuning mahusay na maisa-ayos ang kanilang pananatili, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na tinatawag na Madia at nakatanggap ng positibong opinion buhat sa Department of Public Administration at buaht sa Minister of Economy at Finance“.
Ang prefecture na nanganib ay 23: Chieti, Vibo Valentia, Benevento, Piacenza, Pordenone, Rieti, Savona, Sondrio, Lecco, Cremona, Lodi, Fermo, Isernia, Verbano-Cusio-Ossola, Biella, Oristano, Enna, Massa-Carrara, Prato, Rovigo, Asti at Belluno. Ang mga ito ay dapat sanay isasama hanggang sa katapusan ng 2106 sa mga maiiwang pinakamalapit na prefecture at dahil ditto ang mga imigrante ay kina-kailangan ang magbiyahe papunta rito.
Kahit na hindi pa inilalathala ang eksaktong nilalaman ng panukala ni Alfano, ay tila wala ng anumang panganib. Kahit ang Undersecretary sa Public Administration, Angelo Rughetti, sa isang panayam ng Avvenire, ay tila tubig na nagpahinto sa apoy: “Ang prinsipyo ay hindi ang tanggalin ang mga serbisyo at mga tanggapan, ngunit ang tanggalin ang pare-parehong tanggapan. Ang ufficio Immigrazione ay mananatili. Ngunit ang dalawang probinsyang magkalapit ay maaaring magkaroon ng isang prefecture lamang”.