in

24 na pamilya, nasunugan sa Roma

24 pamliya nasunugan sa Roma Ako Ay Pilipino

Abo at mga ala-ala na lamang ang natira sa 24 na pamliya, (60 indibidwal) na nasunugan sa Roma noong nakaraang August 8, 2020. Wala kahit anumang naisalba sa mabilis na kumalat na apoy na tinupok ang mga magkakadikit na bahay, lalo na’t karamihan ay mga nasa trabaho. Ang ilan naman ay tanging anak at magulang lamang ang naiwan sa bahay.

Tumagal din ng ilang oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Naganap ang sunog sa isang lugar sa Roma na kung tawagin ng mga Pinoy ay ‘Beverly Hills’. Dito ay kanya-kanyang nagtayo ng mga kongkretong bahay ang mga Pinoy para sa kanilang mga pamilya. Ang ilan pa nga ay may dalawang palapag na bahay. 

At sa paglipas ng higit sa 30 taong paninirahan ng mga Pilipino dito, ang sinasabing ‘squatter’ o ‘occupazione abusiva’, ay ‘halos’ naging regular nang residente. 

Si Ruel Sandoval ay dalawampung taon ng naninirahan dito kasama ang kanyang mga kaanak. Inasahan umano ni Ruel na maaagapan ang apoy sa mabilis na pagdating ng mga bumbero, ngunit bigo at walang naisalba si Ruel at ang kanyang mga pamilya. Kaya’t hiling ni Ruel, sa kanilang muling pagsisimula ay mai-ayos ang kanilang mga dokumento, mula sa kanilang philippine passport. Nanawagan siya na maunawaan ang kanilang sinapit na trahedya partikular ang sila ay matulungang magkaroon ng balidong dokumento. 

Naging emosyunal naman si Merle Canlas Batac, na may dalawang palapag na bahay kung saan kasamang naninirahan ang 4 na menor de edad na apo. Bagaman malaki ang panghihinayang dahil natupok lahat ng kanilang mga ipinundar:  bahay, kagamitan pati ang mga damit at dokumento, nagpapasalamat pa rin si Merly dahil nakasalba ang kanyang 4 na apo. Tulad ni Ruel, hiling din ni Merly ang matulungang maiayos ang kanilang mga dokumento mula pasaporte. 

Si Teresita Doria Cariaga, higit 20 taon ng residente sa ‘Beverly Hills’ ay kumakatok sa Embahada. “Hiling namin na matulungan kami ng Embahada sa pasaporto lamang, yun ang pinaka mahalaga para sa amin sa ngayon dahil wala kaming dokumento. Kaunting konsiderasyon lamang po ang hiling namin”. 

Pansamantalang tumutuloy sa isang center ang 19 sa mga nasunugan, partikular ang mga may anak na menor de edad at mga magulang. Batay sa salaysay ng mga nasunugan, maayos naman ang kanilang lagay doon, bagaman tulog lamang ang pinahihintulutan. 

Ang ilan ay pansamantalang nanunuluyan muna sa kanilang mga employer o ilang kamag-anak. 

Nangako naman ang lokal na pamahalaan na hindi sila papabayaan.

Pasasalamat naman mula sa mga nasunugan sa patuloy na pagbisita, pagdamay at pagdating ng tulong mula sa iba’t ibang asosasyon ng mga Pilipino at mga indibidwal sa Roma. (PGA)

24 pamliya nasunugan sa Roma Ako Ay Pilipino
24 pamliya nasunugan sa Roma Ako Ay Pilipino

I-click lamang ang link para sa video: https://fb.watch/3qMCycUMv9/

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

heat-stroke

Ano ang HEAT STROKE at paano ito maiiwasan?

Italya, tumaas sa 1,071 ang mga bagong kaso ng covid19. Roma, nagtala ng 131 bagong kaso.