in

25 anyos na Pinoy, umamin sa pagsaksak at pagnanakaw sa Cuneo

Umamin ang inarestong Pinoy na suspek sa pagsaksak at pagnanakaw sa isang matanda sa Cuneo.

Isang 25 anyos na Pinoy ang inaresto sa Cuneo sa kasong pananaksak sa isang 54 anyos na matandang babae matapos looban ito hatinggabi ng Lunes.

Ayon sa report, sinira umano ni C.V. ang bintana ng banyo kung saan mag-isang nakatira ang matanda. Ito ay isang maliit na villa sa via Luzzati sa Cuneo.

Matapos makarinig ng ingay at maramdaman na may nakapasok sa bahay ay nakita ng matanda ang manloloob. Ngunit bago tuluyang tumakas ay ginilitan sa leeg ang biktima, matapos kunin ang wallet at cellular phone nito.

Inaresto kahapon ang Pinoy sa isang hotel, handa na sa pagtakas at lisanin ang Cuneo. Sa bag nito ay natagpuan ang kutsilyong ginamit sa pananaksak. Umamin naman ang Pinoy sa krimen.

Pagtatanan umano ang sanhi ng pangangailangan ng pera ng binata.

Samantala, ang biktima ay malayo na sa peligro ang buhay.

Sa ginawang imbestigasyon ay napag-alamang kilala ni C.V. ang biktima at malaki ang naitulong nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

Si C.V. ay ipinanganak sa Pilipinas at dumating sa Italya menor de edad pa lamang kasama ang 2 nitong kapatid.

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippine passport renewal, 7 buwan hanggang 1 taon bago ang expiration

Tagumpay ng Battle of the Barangays!