Ayon kina Philippine deputy chef-de-mission Julian Camacho at Romeo Magat sa lingguhang PSA Forum sa Ermita, Manila kahapon, ay kakayanin ng Team Philippines ang overall championship ng 26th Southeast Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia sa darating na Nobyembre 11-22.
Ayon kay Camacho, na secretary general ng Wushu Federation of the Philippines (WFP), “It’s attainable if everybody works harder. We have 42 sports at kung bawat isang NSA (National Sports Association), may two golds, ayos na.”
Dinagdag pa nito, na kakailangan din ng Pilipinas nang malaking suporta mula sa Ambassador na si Ma. Rosario na nakabase sa Jakarta para sa manpower, transportation at sa pagkain ng delegasyon.
“May 22 disciplines sa Jakarta at ang billeting ay sa 22 different hotels kaya kakailangan ng volunteers na mga kababayan natin mula sa Embassy sa Jakarta na magiging guide sa mga playing venue at sa hotel”, pagtatapos ni Camacho.