in

3 Pinoy, kabilang sa Kampeon ng Coppa Lazio 2018 Dart Tournament

Tatlong darterong Pilipino ang kabilang sa koponang nanalo sa ginanap na Coppa Lazio 2018 Dart Tournament nitong 3 Hunyo 2018 sa Hotel Rouge et Noir sa Roma.

Kasama sa naging kampeon sa La Ragnatella Team sina Ronel Estoy, Romel Ramos at Rico Olida. Ilan lang sila sa mga manlalarong Pilipino ng dart sa Roma. Nakakalaro na din ang mga Pinoy darters sa mga Panlalawigang paligsahan at nakakarating na din sa iba’t ibang parte ng Italya.

Walong koponan ng lalawigan ng Lazio ang nagharap-harap sa huling bahagi ng torneo. Magkasunod na taon nakamit ng La Ragnatella ang Kampeon kasunod naman ang Inside Pub at pangatlo ang team ng Emicragna. Ang iba pang mga koponang naglaro ay ang Bull’s eye, Le Due Torri, Psychosteel, Ostia at St. Patrick na pawang mga Darterong Italyano.

Nagkaroon ng pagkakataon na mapalista ang mga darterong Pilipino sa mga kompetisyon ng Italyano. Hinihikayat ng Presidente ngItalian Federation of Dart Games na si Carlo Pascotto ang iba pang mga Pilipinong manlalaro ng dart na magpalista at ng sa gayon ay magkaroon sila ng pagkakataon na makilahok sa mga torneong Italyano.

May ilang grupo na din ng mga Pilipino Darters sa Roma at ganun din sa Milan, Terni, Lecce, Genoa at iba pang parte ng Italya. Maipagmamalaki na ang mga Darterong Pilipino dito sa Italya dahil marami na ding kompetisyon na pawang mga Pilipino ang nanalo. Sina JR Pabilonia ng Milan, Jojo Tamares ng Genoa at Ruel Grafil ng Arezzo ang ilan lang sa mga nagtagumpay sa larangan ng dart dito sa Italya.

Maging sina Allan Santos, Larry Corpuz, Dante Genil, Romel Fider, Ryan Olida, Cesar Quiambao, Ronaldo Samson, Samuel Cantos, Papie Joenas, Enrico de Leon at marami pang iba ang mga Pilipinong manlalaro ng dart ay nagkaroon ng pagkakataon na makipagtagisan ng galing laban sa mga Italyano.

“Sana ay dumami pa kaming mga Darterong Pilipino ang makapaglaro sa mga kompetisyon ng Pederasyon at magkaruon sana kami ng isang koponan ng lahat ay Pilipino at dalhin ang bandila ng Pilipinas sa Kompetisyong Nasyonal ng Italya” ang may pagmamalaki at makabayang sinabi ni Ronel Estoy.

 

Teddy Perez

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anak na 14 anyos, dapat bang mayroong individual permit to stay?

Nagdadalang-tao at walang permit to stay? Narito ang dapat gawin