Ang Italya ang nangungunang bansa sa Europa kung saan may pinaka mataas na bilang ng mga rehistrado sa kasalukuyan. Ika-11 naman kung sa buong mundo.
Roma, Oktubre 2, 2015 – Sa ginanap na forum kamakailan, sa pangunguna ni Ambassador Domingo Nolasco ay nagbigay ang Embahada ng Pilipinas sa Roma ng update ukol sa ginagawang Overseas voting registration sa Italya para sa nalalapit na National elections simula April 9 hanggang May 9, 2016 sa pamamagitan ng postal at personal voting.
Binigyang-diin ng Embahada sa Roma na hanggang noong nakaraang Setyembre 17, 2015, ang kabuuang bilang ng naitalang mga bagong rehistrado ay 15,985. Samantala ang Konsulado naman sa Milan ay may naitalang 14,355.
Ang Italya ang nangungunang bansa sa Europa kung saan may pinaka mataas na bilang ng mga rehistrado sa kasalukuyan. Ika-11 naman kung sa buong mundo.
Bagaman malaki na ito kumpara sa nakaraan, umaasa ang mga opisyales ng Embahada na madadagdagan pa ang bilang na ito bago tuluyang magtapos ang registration na itinakda sa Oct. 31, 2015.
Sa pakikipagtulungan ng mga Filcom organizations ay patuloy ang mga ginagawang registration sa iba’t ibang pagdiriwang ng mga komunidad bukod pa sa mga outreach programs na ginagawa ng Embahada at Konsulado.
Gayunpaman, patuloy ang paanyaya sa mga hindi pa rehistrado na maaaring magpa-rehistro online sa pamamagitan ng iREHISTRO sa websites www.irehistro.com o www.comelec.gov.ph. Sa pamamagitan ng irehistro ay maaaring mag-fill up ng aplikasyon online. Sagutan, i-print at isumite ang aplikasyon sa Embahada ng Pilipinas sa Roma o sa Konsulado, sa napiling araw at petsa para sa biometrics capturing.
Samantala, sa mga overseas Filipinos na nais malaman kung rehistrado at aktibo pa ito, mangyaring bisitahin lamang ang website www.comelec.gov.ph.
Ukol naman sa Voter’s ID, mangyaring bisitahin ang website ng Embahada para sa listahan ng mga Voter’s ID na maaari ng kunin sa Window 8 ng Embahada sa Roma. Ang website naman ng PCG Milan para sa listahan ng mga voter’s ID for pick-up.
Sa Roma ay bukas ang Overseas Voting Registration mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30 AM hanggang 5:00 PM sa Window 8 ng Embahada ng Pilipinas. Dalhin lamang ang pasaporte.
Tandaan na ang pagboto ay karapatan ng bawat Pilipino. Ito ang paraan para magkaroroon ng boses ang bawat isa sa pagbuo ng lipunan na humuhubog ng ating buhay at naglalarawan ng kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
ni: PGA