in

4 na taong batang Pinoy na nahulog mula sa ika-pitong palapag, maayos ang kundisyon

Hindi kapani-paniwalang nagtamo lamang ng galos sa pisngi at bukol sa ulo ang apat na taong batang Pinoy na bumagsak mula sa balkonahe ng ika-pitong palapag na apartment. 

 

Nasa maayos ang kondisyon at marahil ay pinalabas na rin ng ospital ngayong araw ang apat na taong batang, anak ng mga Pilipino na nahulog mula sa balkonahe ng ika-pitong palapag ng isang apartment sa Via Isimbardi sa Milan, noong nakaraang araw ng Linggo bandang alas 9 ng umaga. 

Ayon sa mga ulat, ang bata ay isinugod sa Niguarda hospital matapos makita ng mga kapitbahay mula sa kanilang bintana ang pagbagsak ng bata. 

At hindi kapani-paniwalang sa kabila ng higit sa 10 metrong taas na pinaghulugan ng bata ay hindi ito nagtamo ng anumang bali sa katawan upang ma-meligro ang sitwasyon nito. Sa halip ay nagtamo lamang ng galos sa pisngi at bukol sa ulo.

Isang maliit na plastic na bubong at playwud umano ang naging dahilan upang hindi maging drastiko ang bagsak ng bata at pagkatapos ay bumagsak sa damuhan. 

Sa katunayan, ang bata ay hindi nawalan ng malay sa pagdating ng 118 at ng tauhan ng Questura. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

X-Factor 11 Italya: Camille, pasok sa “Live”!

10-validity ng mga pasaporte, ipatutupad sa Enero 2018