in

40 oras na panalangin inilunsad sa Roma para sa matapat na eleksiyon sa Pilipinas

Roma – May 7, 2010 – Inilunsad kahapon ang “40 hours’ prayer o “Quarant’Ore” sa Santa Pudenziana, Sentro Pilipino Chaplaincy in Rome. Ito ayon kay Fr. Jose V.C. Quilongquilong, S.J. ng CBCP News ay inorganisa ng Philippine Embassy to the Holy See in coordination with the Pontificio Collegio Filippino at ng Sentro Pilipino Chaplaincy na ang layunin ay upang ipagdasal ang matapat at matahimik na election sa Pilipinas.

Ayon pa sa balita, ang Eucharistic celebration na isinagawa sa Roma ay sinadyang isinabay sa pagdiriwang na isinagawa sa EDSA Shrine in Manila na inorganisa ng Center for Peace, Asia.

Itutuloy ng iba’t ibang Association of Filipino Priests, Religious and Seminarians sa religious congregations/communities ng kanikanilang orotories ang Quarant’Ore prayer. May ilan sa mga Filipino migrants’ communities at indibidwal ang nagsabing sasali sa panalangin na isasagawa sa kanilang simbahan. 

Hinimok naman ni Ms. Josephine Bantug, ang assistant to the Philippine Ambassador to the Holy See ang mga participants na magdasal ng Holy Rosary, ang Chaplet of Divine Mercy at ang “Prayer for Philippine Elections” mula May 6 at 6:00 p.m. hanggang May 8, 9 p.m.

Ayon pa sa balita, ang Quarant’Ore devotion ay nagsimula sa Milan at kumalat sa ibang bahagi ng Italya noong kalaghatian ng 16th century. Noon daw panahong iyon, ang nasabing debosyon ang siyang naging panlaban sa mga pananakot sa simbahan kaya’t iminungkahi ni Pope Clement VIII ang magsagawa ng walang humpay na panalangin sa mga simbahan sa Roma. 

Kaya’t hinihikayat nina Mercedes A. Tuason, Philippine Ambassador to the Holy See; Fr. Romeo Velos, CS, Chaplain of Sentro Pilipino; and Bishop-elect Ruperto Santos, Rector of Collegio Filippino ang lahat ng mga Pilipino sa Roma na makikiisa sa iisang layunin ng Quarant’Ore upang masigurado na ang huwag maputol ang chain of prayer na mula sa salita ni Pope Clement VIII “the incense of prayer shall ascend without intermission before the face of the Lord”.

 Lahat ng mga Pilipino sa Roma ay iniimbitahan rin ng makiisa sa Eucharistic celebration sa Basilica Santa Pudenziana na gaganapin sa ika-9 ng Mayo upang ipanalangin ang matapat, matahimik at kapanipaniwalang election sa Pilipinas sa May 10.  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Basta’t BANGKO, SIGURADO!

Sacconi: “Handa na ang guidelines para sa point system ng permit to stay”