in

43-anyos na Pinoy, arestado sa sobrang kalasingan at panggugulo

ako-ay-pilipino

Sinasabing  nakabubuti rin sa katawan ang katamtamang pag-inom ng alak dahil maraming sakit na posibleng maramdaman ng katawan ang napipigilan nito. Subalit kapag labis na sa itinakdang dami ng alkohol sa katawan, posibleng hindi na maganda ang epekto ng pag-inom ng alak. Katunayan, kapag ang isang tao ay sobrang lasing o pinasukan na ng sobrang alkohol ang katawan at utak, malaki ang epekto nito sa kanyang kakayahang magdesisyon at maaaring makagawa ng pagkakamali na kapag nawala ang kalasingan ay maaaring pagsisihan ng sobra. 

Isang halimbawa ay ang episodyong naitala araw ng linggo, ika-25 ng oktubre sa Ancona.  Lulong sa sugal kung isalarawan  ng mga carabinieri ang isang 43-anyos na ofw  na sangkot sa panggugulo sa isang sala slot sa nasambit na lugar.

Mula sa himpilan ng mga pulis ng  Stazione Ancona Principale, ang mga alagad ng batas ay dumiretso sa lugar kung saan ang nasabing pinoy ay nagsimula ng gulo at malinaw na nasa impluwensya ng alak. Una ay hinayaan lamang ito ng may-ari ng gambling center ngunit nang magsimula na nitong pakialaman ang ibang mga naglalaro sa slot machines ay napilitan itong palabasin sa nasabing lugar. Dahil sa pagmamatigas nito, at walang tigil na pagbabanta sa mga taong naroon ay napilitang magtawag ng pulis ang bantay ng locale. Ang akala ng lahat ay matatahimik na ito sa pagdating ng mga alagad ng batas ngunit  naging mas mainit ito at nakipagmatigasan sa mga dumating na carabinieri. Kahit nakaharang  na ang mga ito sa entrance ay nagpumilit pa ring pumasok ang pinoy at pinagtutulak ang mga carabinieri.

Upang maiwasan na mas lumala ang sitwasyon ay pinosasan nila ito at dinala sa kanilang headquarters para kunan ng mga personal na impormasyon at datos ng pagkakakilanlan. 

Nahaharap ang pinoy sa kasong  pagsuway at pananakit sa mga alagad ng batas o direct assault, resistance and disobedience to police officers maliban pa sa multa dahil sa sobrang kalasingan o public drunkenness. (Quintin Kentz Cavite Jr. )

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang labingtatlong utos sa panahon ng Pandemya

Ano ang dapat gawin kung may positibo sa Covid19 na miyembro ng pamilya?