in

45-anyos na pinoy, binawian ng buhay matapos mabaril ng pulis sa Milano

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

Isang mainit na balita tungkol sa isang 45-anyos na pinoy ang sumalubong sa umaga ng mga pilipino sa Italya.  Ang nabanggit na sentro ng usap-usapan ay binawaian ng buhay matapos itong mabaril ng isang pulis. 

Bagamat patuloy pa rin ang imbestigasyon, isang bagay ang malinaw base na rin sa mga pahayag ng mga testigo.  Ang sangkot na lalaki ay ang pinagmulan ng lahat.  Pasado alas dose ng hatinggabi ng ika-22 ng Pebrero nang makatanggap ng tawag ang mga awtoridad. Reklamo umano ng mga residente ng isang sona sa Milano ay ang bantang pananakit ng pinoy sa mga taong nakakasalubong nito sa kalsada. May dala umanong  kutsilyo at tila wala sa sarili. Mabilis ang tugon ng mga alagad ng batas.  Pagdating sa naturang lugar ay agad na natunton ng patrol ang lugar ng pinoy sa tulong ng mga nakadungaw sa bintana. Nagtago umano ang huli sa halamanan.  Nilapitan ng isang pulis ang pinoy at kinumbinsi itong sumuko at bitawan ang dalang kitchen knife. Nanlaban ang armadong pinoy at sa puntong ito ay natumba ang pulis at nasugatan sa ulo dahil sa sama ng pagkakabagsak.  Mabilis namang sumaklolo ang kasamahan nito ngunit siya naman ang hinarap ng armadong pinoy.  Sa pagdipensa laban sa nag-amok na lalaki ay napilitang magpapaputok ang alagad ng batas na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima. Agad namang dumating ang ilang ambulansya sa via Sulmona ngunit wala ng nagawa upang mailigtas ang pinoy sa kamatayan. 

Ayon sa pahayag ng mga awtoridad, ang biktima ay may mga dati ng kaso sangkot sa paggamit at pagbebenta ng mga iligal na droga. (Quintin Kentz Cavite Jr. )

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ISEE Ako Ay Pilipino

ISEE, bakit mahalaga at paano magkaroon nito?

3 paaralan sa siyudad ng Bollate, pansamantalang sinara dahil sa English Variant outbreak