in

4th Charter Anniversary ng GE Central Legion at 15th Foundation Anniversary ng Samahang GUARDIANS, ipinagdiwang sa Roma

Sa pagtataguyod ng samahan ng mga legions ng GUARDIANS Emigrant sa bansang Italya, idinaos kamakailan sa Roma ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-4 na anibersaryo ng pagkakatanggap ng Charter Grant at ika-15 anibersaryo ng pagkakabuo ng samahan bilang Guardians International na nakatanggap ng charter Grant mula sa pinakafounder ng lahat ng Guardians sa Pilipinas noong taong 2004.

Ang pagdiriwang ay ginawa sa Teatro Don Orione sa Roma noong ika-15 ng buwan ng setyembre at dinaluhah ng mga miyembro ng halos nasa tatlumpong mga organisasyon hindi lamang mula sa Roma kundi pati na rin ang mga kinatawan ng ilang grupo mula Firenze, Montecatini Terme at Probinsya ng Pistoia sa rehiyong Toskana.

Sa loob ng pagdiriwang ay isinagawa din ang turnover of commands mula sa dating pamunuan na pinangunahan ni Isagani “Pcgs Planner”at ipinasa sa mga kamay ng bagong halal na National President na si Quintin “Pcgs Bossing” Cavite Jr. Ang bagong presidente sampu ng kanyang mga kasamang opisyales ay ang magpapatuloy ng lahat ng operasyon ng buong GE 1st Legion na may apat na sangay sa buong italya at umaabot sa halos dalawampung mga chapters sa iba’t-ibang panig  ng kapuluan ng Pilipinas.

Sa pagbibigay ng inspirational speech ng itinuturing na Ama ng Guardians Emigrant 1st Legion na si Diomedes “Egmf Nazareth” Laridokanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at focus sa misyon ng samahan. Matagal na umanong nakatayo ang kapatiran at subok na ng panahon ngunit kailangan pa ring mas pagtibayin ito sa pamamagitan ng diyalogo at respeto. Walang sahod ang mga kasapi kung kaya’t kailangan ang tunay at mula sa pusong dedikasyon sa paglilingkod.

Sa loob pa rin ng pagdiriwang itinatag ang bagong silang na GUARDIANS Emigrant Auxiliary Rome Chapter. Ang honorary chapter na ito ay nasa pangangalaga ng naitalagang Director na si Marlon Mercadoat ng kanyang dalawang katuwang na sina Nalyn Oliverabilang Chapter Adviser at Norie Ignacobilang Presidente. Kasama ang iba pang mga opisyales ay makikita na ang bagong legion na ito na katuwang ng mga iba pang GE legions sa Italy. Ang kanilang magiging mga beneficiaries ay ang mga mas nangangailangan sa Pilipinas.

Samantala, naging panauhing pandangal naman ang pambato ng Italya sa Miss Asia Pacific International 2019 na si Miss Nicole Severo na buong galak na sinalubong ng palakpakan ng mga dumalo. Sa pagbati sa mga panauhin, kanyang pinasalamatan ang lahat sa paanyaya at ibinahagi ang kanyang mga karanasan na nagdala sa kanya sa tagumpay. Hiindi pa anya nagtatapos dito ang lahat dahil may mas malaki pa siyang pangarap, ang maiuwi sa Italya ang korona ng MAPI 2019 na gaganapin sa Manila sa ika-9 ng oktubre.

Nagtapos ang pagdiriwang na puno ng kasiyahan at espiritu ng kapatiran. Malayo pa ang paglalakbay ng mga GUARDIANS ngunit kung sama-sama ang lahat ng pagsubok ay madaling malalampasan.

Quintin Kentz Cavite Jr.   

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Padre de pamilya, arestado sa kasong pambubugbog sa kanyang mag-ina

Ako Ay Pilipino

Mga dapat malaman tungkol sa Trangkaso at sa bakuna nito