in

5-6, natimbog ng Guardia di Finanza. Dalawang Pinay, sangkot!

Natimbog ng Guardia di Finanza ng Tenenza di Schio (Vicenza) ang isang maliit na grupo ng mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpapautang o mas kilala sa tawag na 5-6.

Arestado ang 2 katao na kasalukuyang nasa kulungan sa Vicenza: isang 51 anyos na Pinay at isang 43 anyos na Bangladeshi. Samantala, may obbligo di firma naman ang 2 pinaghihinalaang kasabwat at nananakot sa mga biktima: 63 anyos na Italyano at ang kanyang maybahay na 50 anyos na Pinay, kapatid ng inaresto.

Tinatayang aabot sa €160,000 ang kabuuang halaga ng pautang at € 72,000 naman nito ay ang tubo o interes mula sa buwanang hulog ng mga may utang. Sa paraang ito, aabot umano hanggang 215% ang tubo ng inutang na pera hanggang sa makabayad ang mga biktima.

Ang imbestigasyon ay sinimulan noong 2018 matapos mag-denuncia o mag-report sa pulisya ang isa sa mga biktima. At sa ginawang raid sa bahay ng dalawang pangunahing suspek ay natagpuan sa tahanan nito ang cash at mga pasaporte ng mga nanguntang bilang collateral at mga hand written declaration bilang ‘agreement’ at patunay ng pagkakautang.

Bukod dito, ang arestadong 51 anyos na Pinay caregiver ay pinaghihinalaan ding nakumbinsi ang inaalagaang matanda na 90 anyos na ibigay sa kanya ang pera at alahas nito bukod pa sa pagwi-withdraw sa bank account ng matanda. Dahilan ng karagdagang akusasyon ng ‘circonvenzione d’incapace’.

Bukod sa mataas na interes, nakakatanggap din ang mga biktima ng mga pananakot mula sa dalawa pang kasabwat.

Taong 2013 ng simulan ng ‘magka sosyo’ ang pagpapautang mula € 1,000 hanggang € 5,000. Halos lahat ng kanilang mga ‘kliyente’ ay mga Pilipino na walang kakayanang maka-utang sa bangko o sa anumang financial institution. Ang Pinay ang nangangalaga sa accounting, samakatwid sa pagpapautang (kontrata) at paniningil samantala ang Bangladeshi naman ang may hawak ng finances.

Ang pagpapautang o pagpapahiram ng pera, sa kahit na anong interest rate, na walang pahintulot mula sa gobyerno ng Italya, ay bawal at itinuturing na krimen na “usury”. Ito ay mas kilalang “5-6” ng mga Pilipino. Iligal din kahit sa Pilipinas ang paggamit ng Philippine passport belang garantiya o collateral sa mga loan transactions.

 

ph:

Guardia di Finanza Vicenza

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Salvini, nahaharap sa 3 kaso ng paglabag

EPIFF, sa ikalawang taon ng pagtatanghal sa Florence Italy