in

50-anyos na Pinoy, pinaslang sa Roma

Isang 50-anyos na Pinoy ang natagpuang walang buhay at may saksak kahapon, February 19, bandang alas 7 ng gabi sa via Anastasio II, malapit sa istasyon ng Metro Valle Aurelia sa Roma.

Ayon sa mga unang ulat ng pulisya, na mabilis rumisponde sa report ng mga nakakita sa nakahandusay na biktima, pinaghihinalaang sangkot sa krimen ang lima pang katao, na marahil ay pawang mga kababayang pinoy din. Matapos diumano ng mabigat na pagtatalo, na nauwi sa matinding away, ay pinagtulungan ng lima ang biktima hanggang sa dumukot ng patalim ang isa at sinaksak si Michael Lee.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naganap na krimen sa tulong ng mga cctv sa lugar at inaalam ang detalye ng mga pangyayari upang mahuli ang salarin. 

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Pilipinas, ikatlong bansa na may pinakamataas na remittance mula sa Italya

Suspek sa pagpatay sa 50-anyos na Pinoy sa Roma, umamin sa krimen