in

63 anyos na Pilipino sakay ng bisikleta, nabangga sa Bologna

Sugatan at may matinding mga pinsala sa katawan ang isang 63-anyos na Pilipino sa Bologna, habang tumatawid ng kalsada sakay ng kaniyang bisikleta bandang alas singko ng hapon noong nakaraang Biyernes.  

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakabisikleta umano ang biktima mula sa “pista ciclabile at tamang patawid ito sa kalsada papunta sa isang supermarket nang ito ay mabundol ng isang kotse na hindi nagawang makaiwas sa pagbangga sa biktima dahil sa bilis ng pangyayariBasag ang front-side ng windshield ng kotse, patunay na malakas ang naging impact ng pagkakabangga.

Ayon sa 34-anyos na nagmamaneho ng sasakyan, kanyang binabagtas ang kahabaan ng Via Andrea Costa at hindi niya naiwasan ang nakabisikleta dahil bigla itong sumulpot mula sa bike lane patawid sa kalsada.  Ngunit ayon naman sa mga awtoridad, obligadong magpatakbo ng marahan ang mga sasakyan sa lugar na iyon dahil sa zona iyon ng tawiran.

Agad na sumaklolo ang isang ambulansya ng 118 kaya mabilis na naisugod sa Ospedale Maggiore Carlo Alberto Pizzardi ang biktima.

Mabilis naman ang tugon ng Municipal police  na siyang may hawak ng kaso at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang aksidente sa tulong na rin ng mga testigo sa pangyayari. 

Paalala ng mga ahente ng municipal police na kailangan ang ibayong pag-iingat sa lahat ng oras sa pagtawid lalo na kapag pabandang gabi, kahit pa nasa tamang tawiran.  

Ang golden rule ng kalsada na STOP, LOOK, and LISTEN ay hindi kailanman nawawala sa uso.

Quintin Kentz Cavite Jr.

Foto: Schicchi

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Il decreto di concessione è alla firma”, ano ang ibig sabihin sa aplikasyon sa citizenship?

Male Prostitution sa Roma, tinutukan ng mga awtoridad. Isang Pinoy, huli sa akto