Itinatag sa Italya ang unang grupo ng “Adoracion Nocturna Filipina”
Firenze, Hunyo 22, 2012 – Kaunaunahang grupo ng Night Adorers ang “Adoracion Nocturna Filipina” sa labas ng Pilipinas. Ito ay itinatag sa simbahan ng San Barnaba sa Firenze, Italya na may turno bilang 1699.
Ang night adorers ay grupo na binubuo ng mga kalalakihan mananampalatayang Katoliko. Sila ay nag-aalay ng 2 hanggang 3 oras na vigil at pagdarasal kay Hesus Kristo simula ng ika walo ng gabi. Ito ay ginagawa isang beses tuwing huling sabado ng buwan.
Napakagandang gawain para sa mga ama ng tahanan, nagsisilbing modelo at inspirasyon ng kanilang mga anak at kaibigan, bukod sa nailalayo sa mga bagay na di maganda tulad ng bisyo.
Ang motto ng samahan ay Pagpapakabanal (Piety), Pagkakawanggawa (Charity) at Pagkakaisa (Unity).
Ang Adoracion Nocturna Filipina ay itinatag noong Oktobre 10, 1920 sa St. Ignatuis Church, Intramuros, Maynila. Pagkatapos makamit ang kasarilan mula sa Espanya at ang pagdating ng mga Amerikano kasama ang mga Pastor na Protestant, marami sa mga mananapalataya ang nabagabag at naguluhan dahil sa mga bagong turo. Kaya dito itinatag ang unang Turno (1) ng mga mananampalataya na may 80 kasapi, sa pamumuno ni Fr. Victorino Pasqual bilang Chaplain, Bro. Francisco Munoz de Perez ang unang Jepe de Turno at Don Emilio Ma. Moreta ang Founder, na sa kalaunan nagkaroon ng 5 paring anak at 2 madre.
Matapos ang apat na buwang pag aaral at pagsasanay sa paggabay at patnubay ni Bro. Manuel Ilano Granados-ANF National President, ginanap noong Hunyo 9, 2012 sa San Barnaba Church ang “Canonical Installation of New Turno 1699 at Imposition of Officers and Members” sa pangunguna ni Don Giani Guida at Rev. Fr. Reynold G. Corcino. Ang mga bagong talaga ay sina Rev. Fr. Reynold G. Corcino-Chaplain, Leandro L. Pinon-Jepe de Turno, Reynaldo M. Rivera-Asst. Jepe de Turno, Rolando DC Escalante-Secretary, Leobel L. Torres-Treasurer, Rodolfo A. Gabay-Auditor, Luisito M. Rivera-M.C., Sam C. Ballesteros-Flag Bearer at ang mga miyembro ay sina Edwin T. Alega, Roberto H. Villostas, Simeon H. San Jose, Danilo I. Gonzales, Roderick C. Castillo, Antonio C. Lacbongan, Orlando D. Calceta, Alberto R.Ballais, Severo P. Balasbas Jr., Emmanuel B. Ramos, Redito Reyes at Rolando Megote. Isang solemn na okasyon na pawang miyembro ng pamilya at malalapit na kaibigan ang naging saksi sa mahalagang pagdiriwang.
Noong Hunyo 17, 2012 sa pagdiriwang 114th Phil. Independence Day sa Firenze, Toscana nahirang na umawit ng “Ang Bayan Ko” bilang koro ang grupo na hinangaan ng marami. (ni: ARGIE GABAY)