in

AGRIBUSINESS INVESTMENT FORUM, gaganapin sa Roma

Roma, Hunyo 6, 2013 – Ang unang Agribusiness Investment Forum sa Italya ay gaganapin sa Roma sa ika-16 ng Hunyo 2013, 1300H sa ERGIFE Palace Hotel na pangungunahan ng ating kagalang-galang na Kalihim ng Agrikultura, Proceso Alcala, sa kanyang opisyal na pagbista sa Italya.

Layunin ng forum ang ipagbigay alam sa ating mga kababayan ang ibat-ibang agribusiness prospects sa ating bansa, gayun din ang hikayating mag-invest sa agriculture at fisheries sa Pilipinas.

Ukol sa investment opportunities sa pananim (crops), alagaing hayop (livestock), at palaisdaan (fisheries) ang magiging tema ng nasabing forum at bawat tema ay pamumunuan ng mga  technical experts mula sa Department of Agriculture at ilang matataas na opisyales.

Magbibigay din ng gabay at mga tagubilin  kung paano magsimula ng negosyo sa mga agribusiness sectors na ito sa gaganaping  sa Rome

“Bukod sa pagtulong sa inyong pamilya, ang pag-invest sa ating agrikultura at palaisdaan ay malaking tulong din sa pagtaguyod ng rural development sa ating bansa”, ayon sa Embahada.

Malugod na inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng mga Pilipino sa AgriBusiness Forum na nakatakda di lamang sa Roma bagkus pati sa Turino at Milano.

“Lubusin ang pagkakataong maka-attend sa agribusiness forum, hindi lang para makapagbalitaktakan kay Secretary Alcala at kanyang delegasyon, kungdi para matuto at maliwanagan sa mga investment opportunities sa larangan ng agriculture at fisheries”, pagtatapos ng paanyaya ng Embahada.

Sa mga interesadong dumalo sa forum ay hinihiling na ipadala kaagad ang inyong mga pangalan sa romepe2007@gmail.como tumawag sa Philippine Embassy (06.39746621 ext. 219 o 229).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ACROSS ASIA FILM FESTIVAL 2013: FOCUS FILIPINO NEW WAVE 15-18 May 2013, Cagliari

SIGAW NG KALAYAAN