in

Ako ay Pilipino, pinarangalan bilang “Best Newspaper on Migration 2019”

Pia Gonzalez, Ako ay Pilipino Editor-in-Chief with CFO Secretary Francisco Acosta, CFO Executive Director Astravel Pimentel-Naik and members of MAM Awards Committee

Sa ikalawang pagkakataon ay muling binigyang parangal ang “Ako ay Pilipino” bilang Best Printed Newspaper about migration sa nakaraang 2019 Migration Advocacy and Media (MAM) Awards na ginanap sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard sa Manila noong ika-17 ng disyembre 2019.

Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob ng Commission on Filipinos Overseas o CFO. Dalawampu ang nakatanggap ng MAM Awards mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ang mga na-nominatena mga kandidato ay dumaan sa masusing pagsusuri sa pangunguna ni CFO Secretary Francisco P. Acosta at ng kanyang MAM Awards Committee. 

Tinanggap ng editor-in-chief ng Ako ay Pilipino na si Pia Gonzalez-Abucay ang iginawad na parangal, kasama ang dalawa pang correspondents ng Emilia-Romagna na si Mercedita Centeno De Jesusat ng Toskana na si Quintin Kentz Cavite Jr.  Sa matagumpay na araw na ito ay nagpamalas din ng suporta ang mag-asawang sina Mr. Stefano Lami at Mrs. Marie Lami na laging ding nakasubaybay at nakaalalay sa pahayagang nasyonal  ng mga pilipino sa Italya. 

Bukod sa Ako ay Pilipino ay pinarangalan din ang iba pang mga Best Media Works bilang pasasalamat sa kanilang naging ambag sa migrasyon tulad ng mga libro, newsletter, pelikula, tula, blog, website, dokumentaryo at iba pa.

Naging batayan sa pagpili ng mga binigyang parangal ang pagiging makabuluhang instrumento ng mga kandidato sa pagbibigay halaga sa mundong ginagalawan ng mga manggagawa sa ibayong dagat pati na rin ang kanilang pagtaguyod ng mga programa para sa ikabubuti ng mga bagong bayaning mga ofws pati na rin ang patuloy na pagpapaganda ng imahe ng mga manggagawang pilipino sa ibayong dagat.

Sa kanyang pagbibigay ng mensahe matapos matanggap ang parangal ay binanggit ni Pia Gonzalez-Abucayang mahalagang papel ng Ako ay Pilipinosa pangaraw-araw na pamumuhay ng mga pilipino sa bansang Italya. Nagiging basehan umano ang mga balitang ibinabahagi ng pahayagan ng mga galaw ng libo-libong manggagawang pinoy sa kilalang “Bel Paese”. Naaabot ang iba’t-ibang dako ng bansang Italya dahil sa umaabot sa 30,000 na libreng kopya ng pahayagang ipinamamahagi kada buwan. Dahil sa ang pahayagan ay may mga nakalathalang kasagutan sa mga katanungan ng mg ofws patungkol sa aspektong sosyal, ligal, at kultural ng buhay pinoy sa bansa, marami ang tumatangkilik dito at naging mahalagang bahagi na ng buhay ng mga ofws na kanyang pinaglilingkuran.

Bukod sa Ako ay Pilipino ay nabigyang parangal din ang mga sumusunod:

1.        Print  Journalism Award- Best Book on Migration- Bending without Breaking: thirteen women’s storie of migration and resilience (Switzerland)

2.        Print  Journalism Award- Best Newsletter on Migration: The Migrant (Germany)

3.        Best Magazine on Migration: Via Times News Magazine (USA)

4.        Radio Journalism Award-Best Regular Radio Program: Buhay Buhay sa America Radio Show (USA) at LUV2DMAX (Kuwait)

5.        Television Journalism Award-Best Regular TV Program on Migration: Kabayan Talks (USA) at Pusong Pinoy sa America

6.        Television Journalism Award-Best TV Episodic TV Program on Migration: “Laban.DH” from I-Wintess (Philippines) at “Mga nagkukubling anghel” from Reporter’s Notebook (Philippines)

7.        Television Journalism Award-Best TV Series on Migration: TADHANA (Philippines)

8.        Television Journalism Award-Best TV Interstitial on Migration: Becoming Pinoy (Philippines) at Lines and Letters (Philippines)

9.        Best Full Length Film on Migration: Still Human (HK) at Hello, Love, Goodbye (Philippines)

10.  Best Documentary on Migration: Imprisoned: Raising my Baby behind Bars (Philippines)

11.  Best Website on Migration: Obrero (New Zealand) at Pinoy Seoul (South Korea)

12.  Best blog on Migration: The Global Carinderia (USA)

13.  Special  Citation Award- Voice:  Poetry by Youth of Kalihi (USA)

Ang natanggap na parangal ay isang malaking inspirasyon sa lahat ng nasa likod ng pahayagang ito at umaasa ang lahat na magpapatuloy ang paglilingkod nito sa sambayanang pilipino sa bansang Italya na walang hinihinging kapalit. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Siguraduhing makakarating ang tulong sa mga biktima sa Taal, narito ang ilang tips

Sanatoria, patuloy na pinag-aaralan ng Viminale