in

Aksidente sa motor, nasawi ang isang 56-anyos na Pinay sa Roma

Isa na namang malagim na pangyayari ang naitala ng mga awtoridad sa Roma sangkot ang dalawang filipino citizens.

Ang 56-anyos na Pinay na angkas ng motor ay hindi nakaligtas sa sakuna. Dead on the spot umano ang biktima matapos magkabangaan ang motor at isang Opel combo van. Sa insidente ay nakaladkad pa ng ilang metro ang scooter.

Ayon sa ulat ng pulisya ng Roma Nord, bandang alas 3:30 ng hapon nang mangyari ang trahedya sa Via Flaminia Nuova bahagi ng Vigna Clara at Due Ponti.

Namatay agad sa pinangyarihan ng aksidente ang Pinay dahil sa grabeng pinsala sa ulo at grabeng pinsala sa mga bahagi ng katawan nito. Malubha naman ang kalagayan ng nagmamaneho ng scooter na agad na dinala ng rumespondeng ambulansya sa Policlinico Agostino Gemelli.

Hindi naman umano malubha ang kalagayan ng 64-anyos na drayber ng van. Bilang protocol ay sumailalim ang nasabing drayber sa alcohol at drug tests. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa inilalabas ang result ng nasabing tests.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Local Police ng Cassia Roma. Hawak na ng mga awtoridad ang ilang salaysay ng mga nakasaksi sa pangyayari pati na rin ang mga video footages ng mga cctv sa lugar na pinangyarihan.

Batay sa ulat ng mga kapulisan, umabot na sa 38 ang namatay sa road accidents sa lungsod ng Roma sa taong ito. Sa nasabing bilang, labingtatlo ay mga tumatawid sa kalsada. Pangunahing dahilan ay ang hindi pagsunod sa batas trapiko. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Carta di soggiorno per familiari UE at Permesso per lungo soggiornanti UE, paglilinaw ukol sa Aggiornamento 

decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Decreto Flussi, extended hanggang March 24 ang paghahanda ng aplikasyon