in

Aksidente sa trabaho, biktima ang isang Pinoy sa Milano

Isa na namang malungkot na balita ang mabilis na kumalat nitong mga nakaraang oras. Muling ring naging mainit ang tema patungkol sa “sicurezza sul lavoro” o ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho. 

Ang biktima ay ang isang 57-anyos na pilipino. Bandang alas 8.30 ng gabi araw ng martes, ika-6 ng abril nang maging usap-usapan ang insidente lalo na sa social media. Isang lalaki umano, habang nasa trabaho, ang bumagsak mula sa ika-apat na palapag ng isang apartment sa Viale Monza sa Milano.

Sa tawag ng mga nakakita sa nangyari ay agad na rumisponde ang mga kapulisan. Dumating naman matapos ang ilang minuto ang ambulansya. Kita na agad ng mga rescuers na masama ang lagay ng biktima. 

Matapos ang ilang sandali ay kumpirmado ang paghinto ng heartbeat nito kung kayat sinimulan agad ang CPR. Matapos ang ilang attempt ay dinala ang pinoy sa ospital ngunit wala nang nagawa ang medical staff kundi kumpirmahin ang pagkamatay ng ofw. 

Samatala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa tunay na dahilan ng pagkahulog ng pinoy. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 3.8]

Bagong regulasyon ng Italya sa mga babalik mula Europa, pinalawig

Si Ben at ang kanyang matagumpay na pagbabalik Pilipinas