in

Alas 2 ng tanghali nagkamali ang nurse na si Roberta at ang Direktor naka-bakasyon

Roma, Hulyo 26, 2012 – Si Caterina De Carolis, ang direktor ng Neonatology ward ng San Giovanni Hospital ay inabisuhan ng nakakapangilabot na pagkakamaling nangyari noong June 27 ngunit hindi nagambala ang duktor sa halip ito ay nagpatuloy sa kanyang bakasyon. Bumalik lamang sa trabaho, limang araw ang nakalipas, July 3. Sa panahon ng kanyang absence ay hinayaan sa mga naiwang staff ng ospital ang ibinalitang emergency.

Ang kanyang absence ay partikular na tinutukoy sa report na ipinadala ng ospital sa prosecutor na si Leonardo Frisani. Ang Procura ay agad sinampahan ng kaso ng manslaughter ang pitong suspects na mga duktor at naging 20, kasama ang mga nurses, matapos ang 2 araw.

Sa dokumento, na batay sa medical report, ay ipinaliwanag ang mga kaganapan ng hapon ng araw na iyon, June 27. Alas dos ng tanghali ng si nurse Roberta, sa oras ng pagbibigay gatas, ay napagpalit ito sa saline solution. At dito nagsimula ang discrepancy sa panahon at mga oras. Ang medico di turno ay inabisuhan lamang  alas 6:45 hapon.

“Ibinalita sa akin ang naging pagkakamali at sinimulan ang bagong therapy” (Mi viene riferito dell’errore nella somministrazione e avvio una terapia), ayon sa medico di turno. Sinimulan ngang isalba ang buhay ng sanggol, at nakipaglaban pa ito hanggang sumapit ang 4:35 ng umaga ng June 29.

Bukod sa hindi pagtugon ng primario na si Caterina De Carolis sa abiso ng medico di guardia, maging ang Direttore Sanitario Salvatore Passafaro, ay wala rin. Sa katunayan, nasasaad ito sa ulat na isinumite sa Procura di Roma at Nas. Si Passofaro ang nag report nito sa direzione generale. Sa katunayan, kahapon ng hapon ang Direttore Generale ng ospital Gianluigi Bracciale ay tinaggal bilang direktor si De Carolis.

Delayed and Omission ang maaaring bagong kasong isampa sa mga suspects ng prosecutor na si Leonardo Frisani. Bukod sa mga imbestigasyon ukol sa naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol ay inimbistigahan rin kung ano ang naging epekto ng delayed na ito at kung regular ang mga medical records. Sa kasamaang palad, napapaloob rin sa ulat ng Ministry of Health ay mayroong mga binura at pinalitang datas sa ginawang manipolasyon sa medical records. Maaari ring sampahan ng kasong falsification of public documents ang mga suspects.

Karaniwang ang proseso ng cremation ay sinisimulan lamang sa pamamagitan ng isang sertipikasyon buhat sa ospital na natural death ang sanhi ng kamatayan lakip ang request ng pamilya ng namatay for cremation. Ngunit ang bangkay ng sanggol ay naihatid sa Prima Porta noong July 3 dala ang death certificate at inihahanda for cremation.

Ngayong umaga, ay nakatakdang gawin ang autopsy ni medico legale na si Saverio Potenza. Samatala, kahapon si Danilo Granito, ang abugado at employer ni Jacquiline de Vega, ay nagtungo ng Procura di Roma at nagsampa rin ng kaso: “Natural death ang sinabing dahilan ng pagkamatay ng sanggol, at naging sanhi ang komplikasyon at respiratory deficiency. Nasa sinapupunan pa lamang ay minahal na ni Jacquiline ang anak at ni hindi inisip kaylan man ang ipatanggal o ipalaglag ang  sanggol sa sinapupunan.” 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization, napapaloob sa inilathalang ‘Sanctions decree’

Sisig recipe