in

Aldren Ortega, iboto bilang Consigliere Comunale sa Modena

Ang partesipasyon ng ikalawang henerasyon ng mga Pilipino sa local election ay tumutukoy sa mga anak ng mga imigranteng Pilipino na ipinanganak o lumaki sa kanilang bagong bansa, ang Italya at ngayon ay aktibong lumalahok sa larangan ng pulitika dito. Bilang mga naturalized Italians na tinaguriang New Italians, partikular New European, sila ay may karapatan hindi lamang bumoto, bagkus pati ang mahalal sa nalalapit na Election day sa Italya.

Basahin din: June 8-9, 2024:Election Day sa Italya!

Ito ang hangad ni Aldren Ortega, isang 34 anyos at tubong Mabini Batangas, ang mahalal bilang isang Konsehal o Consigliere Comunale at ang makapaglingkod sa kanyang itinuturing na New home, ang Modena.

Dumating sa Italya taong 2004 at sa Modena na nanirahan hanggang sa kasalukuyan. Dito na nagtapos ng Accounting o Ragioneria noong 2009. Kasalukuyang nagma-mayari ng Ortega Holdings o Consultancy, Accounting and Tax Firm.

Si Aldren Ortega ay kilala sa kanyang pakikilahok sa Filipino Community. Siya ay aktibo sa mga community organizations kung saan nagbahagi siya ng kanyang karanasan, kakayahan at network na mahalaga sa politika.

Siya ay miyembro ng Philippine-Italian Association, Knights of Rizal Modena Chapter, at The Fraternal Order of Eagles – Modena Italy Eagles Club, European Union Region. Naging presidente ng Mabini Hometown Association of Modena, naging Disciple Preacher of El Shaddai DWXI PPFI Modena Chapter. Promoter ng 1st National Youth Summit of OFW Watch Italy (2022) at ng Council on Youth Leadership Development Seminar (2014 & 2019). Bukod sa mga nabanggit, si Aldren ay Community Consultant ng Federazione Associazione Filippine di Modena at ng Lahing Sta. Mesa – Modena.

Mahusay si Ortega sa pag-navigate sa kanilang dual identity bilang Pilipino at Italyano. Ito ay nagbibigay sa kanya ng unique na perspective na mahalaga sa politika.

 Modena has been a very welcoming city. It’s my way of giving back to Modena what I have received”.

Sa panayam ng Ako ay Pilipino kay Ortega, sinabi niyang maganda ang pamamalakad ng gobyerno sa Modena ngunit kulang umano ng representasyon ang mga Italyanong nagmula sa ibang origin. Dagdag pa niya, magiging boses siya para sa future ng mga trabahador, discriminated, mahihina at mga youth.

My presence in this election is to give voice to the Italo-Migrants to have an Inclusive Modena”.

Bukod dito, promoter siya ng IUS SOLI, ang mainit na diskusyon sa politika sa Italya. Ito ay ang awtomatikong pagiging Italian ng sinumang ipinanganak sa Italya. Gaya ng madalas na talakayin sa Modena, upang maihanda ang buong Italya sa batas na ito, kailangan na maging normal ang presensya sa gobyerno ng mga New Italians na nagmula sa ibang origin.

May top priorities si Ortega sa kanyang pagtakbo ngayong taon. Nangunguna dito ang Representation.

I want to represent the workers, the discriminated, the Italo-Migrants. Yung Article 1 ng Italian Constitution ay nagsasabi na ang Italya ay fondata sa lavoro. But as you can see kulang pa rin tayo sa boses at representasyon para maaprobahan ang Salario Minimo. We need to represent the people, at yan naman talaga ang tema natin sa sinistra. So bibigyang diin natin ang mga bagay na iyan. Representation din sa Italo-Migrant Communities, sa youth sa mga discriminated at napapag-iwanan, sa mga mahihina”.

Ikalawa ay ang Inclusive Modena.

“I want a Modena accessible to everyone na hindi tumitingin sa kanilang economic circumstances, gender, ethnicity, disability, age, sexual identity, nationality or religion, if elected magiging consultative and inclusive leadership ang gagawin natin”.

Ang ikatlo ay ang higit na activities.

Kung makukulayan natin ng mga events at activities ang mga quartieri at frazioni, uusbong ang mga negosyo, ang turismo, mas magiging masigla ang bayan, ibig sabihin uusbong din ang trabaho, magiging active ang youth at magsusunod sunod na yan para lalo pang umunlad ang Modena”.

Dahil dito patuloy ang paghikayat ni Ortega sa Filipino Community na sumuporta, magtiwala at tumulong sa pagkumbinsi sa mas maraming botante. Bukod sa mga Pilipino, patuloy din ang pakikipag-ugnayan niya sa ibang Migrants Communities para maconsolidate ang boto ng Italo-Migrants. Sa katunayan, bagaman unofficial, tinatayang may higit kumulang na 400 Italo-Filipinos sa city of Modena. Sapat na bilang para makapaghalal ng isang konsehal. Ang positibong pagtanggap at suporta mula sa mga kababayang naturalized Italians ay mahalaga sa kanyang kampanya at tagumpay bilang isang kandidato.

I am proud to say na nagkakaisa sila. At anuman ang maging resulta ng eleksyon proud ako sa mga kapwa ko Pilipino sa Modena”.

May tanging hiling si Ortega sa ating mga kababayan. “Suportahan nyo po ako sa aking candidacy sa pamamagitan ng paghikayat sa inyong mga employers, katrabaho, at mga kaibigan na iboto ako. Nananatiling isa sa pinaka-trusted tayong mga Pilipino at malaki ang maitutulong nito upang magkaroon ng isang elected Italo-Filpino sa loob ng Comune di Modena”.

Bakit mo napili ang PD bilang partido?

Maganda ang relationship ng mga Italo-Migrants at ng PD sa Modena. Sa katunayan ang kauna-unahang Black Minister ng Italya na naging member din ng European Parliament ay naging konsehal mismo sa Modena under the banner ng PD. May ilan ding councilor ang PD buhat ibang origin na nasa ibang siyudad dito sa Rehiyon namin ng Emilia Romagna. PD has the principles and values na mas malapit sa ating paniniwala. At right now we are promoting Modena Futura. And I firmly believe that “Modena Futura” is us, Tayo. So kung may representasyon ang mga katulad natin, mas matatawag nating ganap na inclusive ang Modena”.

“I hope na sa mga may kakayahang bomoto ay suportahan ang tambalan namin ni Federica Venturelli. Si Venturelli ang pinuno ng aming Partido Democratico sa Modena. At kung si Venturelli ay nagtiwala sa akin para maging katambal niya, sana maging ang Filcom ay magtiwala sa aming dalawa para sa laban na ito”.

Dumadaloy ang pag-asa sa tuwing tayo ay nagkaka-isa at nagsasama-sama. Sama-sama nating ipanalo ang laban na ito!”, pagtatapos ni Ortega.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga sumusunod na social media accounts ni Aldren Ortega:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Sanggol, natagpuang patay sa Cruise ship. Ina, arestado!

Regional Champion sa Artistic Gymnastics ng 4 na taong sunud-sunod sa Napoli, isang Pinay!