in

All Filipino Europe Tournament, ginanap sa Milan

Muli na namang nagsama-sama ang mga Pinoy mula sa iba’t-ibang panig ng Europa para sa isang matagumpay na All Filipino Europe Tournament na ginanap sa Milan, Italy.

Inorganisa ng Filipino Bowlers Association in Milan o FBAM na pinangungunahan ni Jason Juliano bilang President kasama ang ilan sa mga organizers na sina Ryan Abarca Susi at Paolo Arago.

Humigit kumulang sa 40 manlalaro ang nagtunggali sa nasabing 3 day Tournament na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng Europa tulad ng Switzerland, Belgium at Italy (Florence, Pisa, Rome at Sienna).

Ilan sa mga manlalaro na nagmula sa Roma ay mga kinatawan ng Filipino Bowlers Association in Italy na mas kilala sa tawag na FBAI. Sila ay sina Simple Apan, Gianpier Diaz, Perfecto del Espiritu, Ricky Diaz at ang Presidente ng FBAI, Randy Fermo.

Tatlo mula sa Roma ang pumasok sa Top 20 sila ay sina Randy Fermo at ang mag-amang Gianpier at Ricky Diaz at sinuwerte ding makapasok sa top 8 pagkatapos ng 4 na laro.

Limang manlalaro ang natira para maglaban-laban sa finals. Sila ay sina Romeo “Bhoboy” Ogao, Freddie Lorbis, Jason Juliano, Randy Fermo at Ricky Diaz.

Tinanghal ang Top 5 Winners:

4th Runner Up – Randy Fermo

3rd Runner Up – Freddie Lorbis

2nd Runner Up – Jason Juliano

1st Runner Up – Romeo Ogao

Champion – RICKY DIAZ FBAI Rome, Italy

na tinanghal ding Champion sa category ng Eccellenza ng Single division na ginanap sa Brunswick Rome, Italy.

 

 

Eiron Ignaco

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza, matatanggap din ng mga dayuhang 10 taong residente sa Italya

ACF Messina, bagong pamunuan ang sumalubong sa Bagong Taon!