in

All in One group lumahok sa Around the World Dance Event

Salamat sa social networking site ay nadiskubre ang All in One dance group ng isang Indian National at producer ng mga Indie dance shows sa Lombardy.

 

Milan, Oktubre 20, 2015 – Isa na namang karangalan para sa Pilipino ang mapabilang sa isang malaking pagdiriwang partikular sa larangan ng sayawan kasama ang iba’t ibang dance groups mula sa Morroco, Brazil, Italy, Africa, India. Ito ay ginanap sa Teatro San Giulia Brescia, Italy na pinamagatang “Around the World”, isang Indie dance show na inorganisa ng isang Indian producer na nakabase sa Italya.

Tampok ang mahigit sa 33 dance groups ang nagperform sa nasabing event at ipinakita nila ang iba’t ibang klaseng mga sayaw tulad ng belly dancing, tribal fusion, Bollywood, Polynesian dance at Hip Hop.

Salamat sa social networking site ay nadiskubre ang All in One dance group ni Tarsem Surila, isang Indian National at producer ng mga Indie dance shows hindi lamang sa Brescia kundi sa Bergamo at iba pang mga lugar sa Lombardy.

We are planning to produce another big event in Milan late this year that will again feature the All-in-One group joining other dance groups from different countries”, wika ni Surila.

Hinangaan sila ng mga manonood hindi lamang ng mga Italiano kundi pati ng iba pang lahi na dumulog sa naturang event.

Sa isang bahagi ng show, isang Morrocan national na ginang na apat hanggang limang buwang nagdadalang-tao ang sumayaw ng belly dancing, at napag-alaman na siya ay isang dance instructor sa kanilang bansa, at natuturo ng belly dancing sa probinsiya ng Brescia.

Bukod tanging ang mga Pinoy lang ang sumayaw ng hip-hop di tulad ng ibang grupo na sumayaw ng mga traditional dances.

Ang grupong All in One ay kinabibilangan ng mga Pinoy teenagers na pinamumunuan ni Denver Manalo (ala Miss Ganda) na naitatag noong 2014 kung kailan nagsagawa sila ng isang dance audition.

At ang mga napiling miyembro ay buhat pa sa iba’t ibang dance groups sa Milan at ilan din sa mga napili ay mga free lancers.

Ang bawat miyembro ng grupo ay lalo pang naging seryoso sa kanilang pagsasanay ng mga sayaw at gumagawa sila ng mga sariling dance styles lalo na sa hip-hop na trademark ng kanilang grupo.

Ang pinaka-una naming public exposure ay ‘yung nag perform kami sa event ng The Mega Voice recently, at naging successful naman”, ayon sa founder ng grupo.

Sinabi pa ng grupo na hindi sila pahuhuli sa pagsasayaw ng cultural dances ng Pilipinas, kung kaya’t isa ito sa mga nakahanay sa kanilang listahan na dapat pag-aralan sa darating na taon 2016.

Sa kasalukuyan, ay pansamantala munang magpapahinga ang grupo dahil ang mga miyembro nito ay nagbabalik eskwela.

ulat ni Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Day 2015, ipinagdiwang sa Roma

Mr. & Ms. Philippines-Italy 2015