Bagong Philippine Ambassador to Italy iprinisinta ang kanyang kredensyal sa Quirinal Palace.
Roma, Abril 20, 2015 – Iprinisinta ni Philippine Ambassador to Italy Domingo P. Nolasco ang kanyang kredensyal kay President Sergio Matarella sa Quirinal Palace sa Roma nitong Abril.
Sa pag-uusap ng dalawa sa Sala dei Arazzi di Lille ay binigyang-diin ni Ambassador Nolasco ang halaga ng kanyang misyon sa Italya, partikular ang mapabuti ang bilateral trade relations, mapalalim ang political relations at ang maitaguyod ang kapakanan ng Filipino community sa Italya.
Samantala, nagpahiwatig naman ng pagtitiwala sa katuparan ng kanyang mga layunin si President Matarella at partikular na binanggit ang halaga ng kontribusyon ng Filipino community sa buong komunidad.
Bago pa man, ay naglingkod bilang Third Secretary at Vice Consul at naging First Secretary at Consul sa Philippine Embassy Tokyo Japan noong 1994. Noong 2006 naman ay naglingkod bilang Minister at Consul General sa Washington D.C. USA at di naglaon ay naging Deputy Chief of Mission at Consul General noong 2011.
Matatandaang dumating sa Italya si Ambassador Nolasco noong nakaraang March 15 2015.
Nagpahiwatig naman ng pananabik ang Filipino community upang makadaupang-palad ang bagong Ambasador.
source: PE Rome
PGA